Sa aking paghahanap ng mga salita
Ako'y naligaw sa milktea shop.
Minsan ko na itong naging paboritong tambayan
At isa pa rin sa aking paboritong puntahan.
Sa pagtapat ko sa pintuan
May babala na agad akong nasulyapan
Isa na r'yan ang "No pets allowed!"
Agad kong inabisuhan ang aking kasamahan.
Subalit siya'y napasimangot sa aking itinuro.
Hindi ko na pigilan mapatawa sa kanyang naisip
Hindi naman iyon ang nais 'kong iparating
Sadyang iba lamang ang kanyang naisip.
Sa 'pag pagpili ng iinumin siya'y nahirapan.
Marahil ay unang beses palang siya napunta.
Tinanong niya 'ko kung ano ang masarap na inumin.
Agad 'ko namang itinuro ang wintermelon na siya raw na mabili.
Naalala 'ko naman ang aking hinahangaan
Wintermelon ang satingin 'ko ang paborito niya.
"Son", ang sinabi 'kong ilagay na pangalan.
Binigkas ko ito sa igles ng anak na lalaki.
Sa pagnanais na tama ang mailagay na ngalan.
Subalit minasama naman iyon ng may-ari.
Naupo muna kami sa isang upuan
Kung saan malapit ang confession board.
Aaminin 'kong minsan na 'kong nagsulat
Nang mensahe ko para sa kanya't nilagay rito.
At ngayon muli akong magsusulat
Hindi para sa kanya kun'di para sa kalokohan
Sumulat ako at inilagay roon.
Agad ko naman iyong kinuhanan ng larawan.
Nag-usap kami ng kasama ko
Tungkol sa lugar na ito
Masasabi kong marami itong alaala
Alaala sa aking puso.
Maraming beses 'ko ng nakasama
Ang aking mga kaibigan dito
Maraming alaala na kaming nabuo
Na aking pakaiingatan sa aking puso.
Naalala 'ko pa nga nung dito namin
Naisipang icelebrate ang aking kaarawan
Masaya ako nung araw ring 'yun dahil sa kanila.
Isa sila sa kumumpleto ng aking kaarawan.
Maraming alaala na pala ang aming naipon dito
Masasaya't kung minsan ay may malungkot.
Sa aking paghahanap ng salita
Hindi pala salita ang aking nakalap
Kun 'di ang alaala kasama sila
Ang lugar ng alaala ang aking nahanap.
