Sasaktan nya kong muli
Kukuha sya ng pamalo
Ay ako'y muling hahambalusin nito
Iiyak ako at hihingi ng patawad sa aking pag kakamali
Ngunit hindi nya ko pakikinggan
Papaluin ng paluin hanggang sa gusto nya
Iiyak at sasalagin ang mga hagupit nya
Mag mamakaawa ng paulit-ulit
Para lang mahinto ang kanyang pananakit
Na sagad na sa aking mga buto
Kahit na kita na niya ang sakit
na bumabalatay sa aking muka
Patuloy niya ulit akong sasaktan
Kahit patuloy akong nasasaktan
Tinatanggap lahat ng sakit
Dahil wala akong magawa
Hindi ko kayang gumanti sa kanya
Kukulitin ng kukuliti
kahit alam ko namang walang mang yayare
na mamag asa na tigilan na nya ang pananakit sa akin
Patuloy ang pag kirot ng aking mga braso, binti, hita, kamay at iba pang parte ng aking katawan.
Ang pag daloy ng mga luha sa aking pisngi.
Walang tigil sa pagluha at pag inda ng sakit.
Isinulat noong: May 24, 2018
