Untitled: 2

108 2 0
                                    

Nagtago na ang araw sa buwan;
Ang liwanag sa karimlan.
Nakakatakot ang kapaligiran.
Nag-mistulang nilayasan ng isang katauhan.

Sa paglalakad ay ramdam ko ang isang pares ng matang sa akin ay nakatutok, na parang buwan.
Umpisa pa lang nakamasid na siya, hindi niya ko tinitigilan.
Sa bawat paghakbang ng paa, abot-abot ang tahip ng puso.
Sumisigaw na, "tumakbo ka na bago pa mangyari ang kinatatakutan mo."

Nilamon nang kaba't takot ang puso.
Subalit kailangan kong makatakas.
Sinimulan ko na ang pagtakbo.
Sa takot ay napalingon ako sa kanya.

Malapit na siya, pero hindi kailangan kong makatakas dito.
Masyado siyang mabilis- nahabol niya 'ko.
Hinawakan niya ang aking galanggalangan na para bang sinasakal ako.
Nagpumiglas, nanlaban, subalit wala na 'kong nagawa nang sikmuraan.

Itinulak niya 'ko sa damuhan at agad na dinantayan.
Dama ko ang sakit ng tiyan naging sanhi ng panghihina ko't hindi makalaban.

Sinimulan niya nang patakan ng nakasusulasok na laway ang aking pisngi.
Walang kahirap-hirap niyang sinira ang kamisetang suot.
Pinaglaruan at sinira ang dalawang kabundukan.
Tanging pagluha't pagmamakaawa lang ang nagawa 'ko.
Nabubuo sa kalooban ko ang galit at poot.

Hanggang sa...
Hanggang sa tuluyan na niyang sinisid ang
karagatan--- sinisid.
Walang kapagurang paglangoy--- tuluyan niyang nakuha ang perlas.
Sinira niya kagandahan--- dinungisan ang mahinahon at mapayapang karagatan.

Dinungisan ang sariling yaman.
Inangkin na wari'y sarili 'pag mamay-ari.

Hindi...
Hindi maaaring dito magwakas, ang pagkasira ng kalikasan.
Kailangan kong bumangon at ipagtanggol ang katulad kong siniraan ng likas na yaman.
Hindi maaring marami pa ang mabiktima ng katulad niyang mapanira't magnanakaw.

At ngayon sa entabladong ito.
Ilalahad ko na hindi dapat ang takot ang mangingibabaw sa ating puso.
Kundi ang pagnanais na maiayos ang nasirang kalikasan
At protektahan ang ibang likas na yaman.

Ipaglaban ang bawat karapatan ng kada perlas na pilit inaangkin ng masasamang tao.
Ito'y ating yaman, ngunit hindi natin pagmamay-ari.

Ingatan at pangalagaan;
Mahalin natin ng buong puso
At itigil ang pang-aabuso!


Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon