Magtanim ng pagmamahal

391 5 0
                                        

Magtanim ng pagmamahal ng ikaw rin ang siyang umani nito.
Ang pag-ibig ay parang pagtatanim.
Sapag ibig kailangan mo ng lakas ng loob, para sabihing MAHAL KITA
At paghawakan ang mga salitang iypng naturan.
Pero sa pagtatanim ng pagmahal ay hindi lang yan puro pagmamahal
Namagbubungkal ka ng lupa at saka mo itatanim ang pagmamahal.
Oo, kailangan ng pagmamahal, pero hindi puro pagmamahal na lang.
Na pagsinabi mong mahal kita ay bubunga agad ng pagmamahal.
Hindi yun ganon kadali gaya ng iyong inaasahan.
Sa pagmamahal kailangan mong bigyan ng tamang oras, pagpapahalaga, aruga, ingat at tiyaga.
Dahil kung wala ka nito
Ang iyong pagmamahal na tinanim ay hindi bubunga gaya ng iyong gusto.
Hindi lahat ng bagay ay madali.
Hindi sapat na mahal mo lang siya, pero wala kang ginagawa para maani ng ang pagmamahal niya para sayo.
Pero hindi naman lahat ng itinatanim ay nagbubunga rin.
Hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal.

Sa pagmamahal kung hindi mo na kuha sa una.
At nasaktan ka sa ng yare
Ay maaari mong subukan ulit na magmahal
Maaaring magkamali ka ng paulit ulit
Pero ang mahalaga ay hindi ka sumuko
Dahil hindi naman batayan ang pagkakamali at sakit
Upang sumuko ka na lang
At hayaang lamunin ka ng kalungkutan
Walang perpektong pagmamahal at pagtatanim
Hindi batayan ang pagkakamali at sakit sa muling pag-alay mo ng iyong puso para sa taong mahal mo
Kaya subukan mo ulit na magtanim ng pagmamahal
Ng sa ikatlong pagkakataon
Ay lumago ito at maani mo na ang nutrisyon ng pagmamahal na iyong pinaghirapan
Pero hindi por que naani mo na ang nutrisyon nito
Ay kailangan mo ng pabayaan
Kahit naani mo na ang nutrisyon nito ay kailangan mo pa rin itong pangalagaan
Dahil hindi lang natatapos ang sa pag-ani ng nutrisyon nito ang lahat
Kailangan mo pa rin alagaan at pakaingatan
Ng hindi tuluyan mawala sayo

***

A/N: Ginawa ko to para sa nutrition month sa tle. Sumali kasi ako sa Spoken Poetry sa tle. Ang paksa is UGALING MAGTANIM, SAPAT NA NUTRITION AANIHIN. First time kong sumali kaya nung ako na ay grabe na nginig ako sa kaba. Ang buong akala ko nga ay dancing na ang sinalihan ko, pero na alala ko ay Spoken Poetry na. At natalo ako sa Spoken Poetry pangalawa lang ako sa nanalo. Kaya ang unang nanalo ang lalaban sa ibang grade. Btw grade 9 po ako. Hehhehe. Pero hindi ako malungkot dahil ba talo ako. Ang totoo ay masaya ako kase may experience na ko. Lol! Saka hindi naman ako sumali doon para manalo sumali ako doon dahil mahal ko ang Spoken Poetry! So ayun haba ng speech ko. Yun lang naman ang kyut ko pa din!

Spoken PoetryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon