Iiwan mo rin ako.
Hindi man ngayon.
Pero darating ang panahon.
At iiwan mo 'ko
Yan ang wika ng iilan.Ngunit...
Hindi ako naniniwala.
Hindi ka mawawala.
Hindi mo ko magagawang iwan.
At hayaang na lang nag-iisa.Subalit...
Tinanong kita.
Kung iiwan mo ba ko?
Mawawala ka ba?
Nginitian mo lang ako.At doon ko lang napagtanto
Ayaw mong mangako
Baka siguro mapako
At hindi mo mapandigan.Oo nga no?
Darating din ang panahon
Na iiwan mo 'ko
Hindi mo man gustuhin
Pero siguro kailangan kong tanggapin.At ngayon palang
Sinasanay ko na ang sarili
Paulit-ulit na sinasabing, "Iiwan mo rin ako"
Hindi nga lang sa panahong ito.Inuunti-unti ko muna.
Hanggang sa masanay
At sanay ng wala ka.
