Numero

105 2 0
                                        

Ang dumating sa tamang gulang
Nang hindi na maramdaman pa ang sakit
Tuluyang magwakas ang pananakit
Katapusan ay ninanais sumapit

Layunin na ang numero
Ang siyang magpapatapos sa halimaw
Halimaw na mapanakit
Sa tuwing ang galit ay sasapit.

Ang maging isang adulto
Hindi na maari pang pagmalupitan
Sapagkat sarili'y kaya ng ipaglaban
At tuluyang lumaya sa halimaw ko.

Nais wakasan ang kalupitan
Numero ang siyang magiging panlaban.
At tuluyan nang kumawala sa kanya
Makalaya sa sakit na dulot niya.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon