ML:1 Defeat

188 3 0
                                        

Uumpisan ng may sigla
Sabik sa gerang nagsisimula
Nakakaaliw ang kaganapan
Nabibighani sa labanan.

Nakita na ang kahahantungan
Alam ng talo sa digmaan
Kahit 'di pa ito tapos
Ako'y napuruhan ng lubos.

Gusto ko panglumaban
Iaalay ko ang aking lakas
Lalaban ako hanggang sa wakas
Kahit ito'y isang katangahan.

Malabong ako'y manalo sa laban
Ako lang ang lumaban
Hindi sapat ang aking kakayahan
Kailangan 'ko ng tulong mo.

Nasa dulo na tayo
Kung saan pinapanood 'ko
Ang pagkadurog ng aking puso
Siyang inalay sa iyo.

Isang bituin na tuluyang bumaksak 
Nagbunga ng pagdurusa.
Hindi dapat lumaban ng mag-isa
Nagwakas sapagkadurog at pagkawasak.





Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon