Heto na naman bumabalik,
Bumabalik ka na naman,
Sa aking piling,
Sasabihing ako'y mahal mo pa,Eto naman ako,
Sasabihin sayong mahal parin kita,
Kahit iniwan mo na ko ay sumamasa iba,
Mahal pa rin kita,Pero paano naman yung taong minahal ko
Habang wala ka sa aking piling,
Paano yung taong minahal ko
Nung mga panahong iniwan mo koMinahal nya ko ng panahon na iniwan mo ko
Oo natutunan ko yang mahalin
Kahit mahal pa kita
Minahal ko sya nung mga panahong wala ka sa aking tabi
Nung panahon na iniwan mo ko,
para sa bestfriend ko
Oo iniwan mo ko para sa best friend koAng gulo no?
Mahal kita, pero mahal ko din sya.
Ang gulo gulo na!
Bakit ganito ang puso ko ay dalawa?
Mahal kita!
At mahal ko rin sya!Makasarili na kung makasarili,
pero ginusto ko lang naman ang mag mahal at mahalin rin.
Pero bakit ganon?
Bakit kailangan dalawa pa ang mahal ko?
Bakit kailangan kong mamili sa inyo?
Kung parehas ko naman kayong mahal!Isinulat noong: May 27, 2018
