Ang tunay na bayani

1.9K 8 0
                                    

Ang tunay na bayani ay
Isang sundalo na handang ialay ang buhay para sa bayan
Isang doctor na handang gamutin ang nakalimot na isipan
Isang pulis na handang palayain ang nakakulong na kaalaman
Isang bumbero na handa kang bumbahin ng katanungan ng ikaw ay mamulat sa katotoohan
Pero sino nga ba talaga siya?
Sa likod ng mga propesyon na ating hinahangaan.
Ay laging nandyan ang isang taong dahilan ng lahat ng ito
Wala ang sundalo, doctor, pulis o ano pa mang propesyon
Kung wala ang isang taong nag hubog sa kanila nito

Ang ating mga guro
Gurong minsan na ring nag malasakit sa ating lahat
Gurong nagmahal, nag-aruga, nag-alaga at nagturo sa atin.
Ang bawat asignatura na siyang may kinalaman sa ating buhay na hinaharap
Agham kung saan matutunan mo ang mga bagay na kakaiba at natatangi
Matematika kung saan tinuturuan tayong mag pahalaga sa bawat numero at tinuruan tayo na ang bawat problema sa buhay ay may solution
Aralin Panlipunan kung saan binabalikan natin ang mga nakaraan upang maintindihan at pahalagahan kung ano tayo ngayon
Filipino sa pag aaral nito na ipapakita natin ang pagmamahal natin sa sarili nating bansa
Sa pag tangkilik sa ating sariling wika

Katulad ng ating mga guro
Na nagsisilbing pangalawang magulang na gumagabay sa matuwid na landas at nagbibigay rin ng aral sa ating buhay

Sila ang ating susi sa ating kinabukasan
At kung wala sila wala rin tayo ngayon
Dapat natin silang igalang at respetuhin

Ang dami nilang itinuro sa atin
Marami tayong aral na napulot dahil sa kanila
At bilang sukli sa kabutihang loob nila

Ay respeto ang gusto nilang matanggap
Respetong nais rin nating makuha
Respetong hindi mababayaran ng pera

Gusto nilang maabot ang ating mga pangarap
Nakakatawang isipin na kahit wala silang makukuha pagnarating  na natin ang ating mga pangarap
Pero yun parin ang nais nilang makamit para sa atin
Hanggang sa dulo tayo pa rin ang inisip nila at hindi ang pangsariling interest lamang

Pero tayo?
Mga sarili lamang natin ang inisip natin
Ni minsan hindi natin nakita ang sakripisyong ginagawa nila

Kaya gusto kong humingi ng tawad at magpasalamat
Patawad kung hindi namin nagampanan ng maayos ang aming tungkulin
Patawad kung hindi kami naging mabuting mag-aaral
Patawad dahil nabigo namin kayo
Patawad dahil hindi kami naging karapat dapat
Patawad sa lahat ng pagkakamali namin

At Salamat sa walang sawang pag tuturo
Salamat sa sa pag titiyaga sa amin
Salamat sa lahat ng tulong na inyong ibinigay ng walang sawa
Salamat sa walang sawang pag suporta
Salamat sa mga aral na inyong ipinabaon na kahit hindi man namin ito matandaan lahat, alam naming may isang tatatak sa aming puso't isipan.
Salamat sa lahat lahat
Maraming Salamat at muli patawad

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon