Dedicated to "A LOVE SO BEAUTIFUL"
Nag set up ako ng Fireworks.
Dahil ang gusto ko sabay natin itong panoorin.
Mag kasama tayong dalawa habang pinapanood.
Ang fireworks na nag bibigay ng panandaliang liwanag sa kalangitan.
Pinapaganda ang langit kahit ng panandalian lamang.
Gusto kong panoorin ito ng ikaw ang kasama.
Gusto kong maging isa ito sa mga magaganda at masasayng araw na darating sa atin.Pero nag kamali ako.
Dahil nung mga oras na lalapitan na sana kita.
Biglang dumating si mae at sinira ang maganda kong plano .
Sinira nya ang araw na isa sana sa maganda at masaya nating bubuoin.Lumapit sya sa iyo naunahan na naman nya ako.
May pinag usapan kayo na hindi ko na rinig.Tumulo ang mga luha ko ng makita kong. niyakap ka nya at wala ka man lang ginawa.
Para tanggalin ang pag kakayakap nya sayo.
Imbis na tanggalin ay tinapik mo ba ang kanyang likod.
Ang sakit dahil ang gusto kong pasayahin at yakap-yakap na ng iba.At kasabay ng pagtulo ng mga luha sa aking mga mata.
Ay ang pag liwanag ng kalangitan.
Dahil sa aking hinandang fireworks para sana sayo.
Hindi ko alam kung na nanadya ang nag sindi o sadyang ganon talga.
Wala akong magawa.
Dahil sa mga oras na yon.
Hindi ko alam ang dapat gawin.Ang pag liwanag ng kalangitan.
Kasabay ng pag tulo ng aking mga luha.
Ang inaakalang masaya at magandang araw.
Ay naging isang masakit at malungkot na araw
ko.
