Ang kwento nating dalawa!

373 5 0
                                    

Gusto kong isulat ang storya nating dalawa!
Alam ko sa sarili ko na nakamove-on na ko sayo!
Alam ko naman na hindi na kita mahal!
Oo, hindi na kita mahal
Pero, bakit ganon inuumpisahan ko palang ang istorya nating dalawa hindi ko na maumpisa-umpisahan
Gustuhin ko mang tapusin!
Pero umpisa pangalang hindi ko na maisulat!
Paano pa kaya kung tapusin ko na?
Paano ang susunod na kabanata?
Kung umpisa pangalang hindi ko na matapos!
Nakamove-on naman na ko sayo!
Pero bakit sa tuwing susubukan ko ng sulatin ang istorya natin ay na bla-blanko ang utak ko!
Sabihin na lang natin na sa bawat gustuhin kong isulat ang kwento nating dalawa.
Ay hindi ko talaga lubos maisip kung paano tayo nag umpisa!

Oo nga ba!
Nag-umpisa nga ba talaga tayong dalawa?
O hindi?
Hindi ko lubos maisip kung nag usap ba talaga tayo o nag-iilusyon lamang ako!
Pero alam ko sa sarili ko,
Na meron tayong umpisa,
Pero bakit sa tuwing iisipin ko iyon?
Ay wala akong maalala!

Kasabay ba ng pagkawala ng nararamdaman ko sayo?
Ay ang siya ring bang pagkawala ng alaala ng kwento nating dalawa.
Ganon ba kaya siguro hindi ko na alam kung pano pa isulat ang istorya nating dalawa.
Dahil umpisa palang!
Umpisa palang parang wala na tayong umpisa!
Walang naging umpisa sa ikaw at ako!
Oo nagkaroon ng tayo!
Pero hindi ko naman naramdaman ang salitang tayo!
Tayo nga bang maituturing nung mga panahon na iyon?
Kung maski sa puso ko.
Hindi man lang naramdaman na naging tayo!

Tayo nga bang maituturing yon!
Siguro kailangan ko ng punitin ang pahinang ito na ang tanging ang pamagat lamang ang nakasulat.
Na ang pamagat ay "Ang kwento nating dalawa"
Ang istorya nating dalawa
Hindi naman talaga bagay na isulat ko pa ang isang bagay na nakaraan na lamang sa akin!
Hindi naman sa sinasabi kong sasaktan ko na lang ang sarili ko kung ipagpapatuloy ko pang isulat ng kwento nating dalawa.
Na hindi ko naman talaga alam kung nag simula.
Kaya siguro! Marahil! Dapat!
Dapat ko ng hindi isulat ang kwento nating ito
Dahil hindi ko naman talaga alam.
Kung paano ito sulatin.
Siguro hindi ko talaga dapat pang isulat ito!
Dahil wala namang kwenta ang ating nakaraan
Isa lamang itong nakaraan na dumating
Pero hindi ko na alam kung paano nag umpisa
Siguro kailan ko ng kalimutan ang nakaraan
Mali...
Mali kasi matagal ko ng kinalimutan ng nakaraan
Nakalimutan ko nga bang talaga
O na pura lamang sa aking isipan
O wala namang dapat kalimutan!
Dahil wala namang alaala na ng yare noon!



Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon