Uumpisahan ko na ata ang tula na tumatakbo sa aking isipan.
Ilang buwan na rin ng ito ay nag-umpisang tumakbo sa aking isipan.
Ang tulang siyang unang nag paalala kung paano nga ba talaga nag umpisa ang salitang "Naging" na ang ibig sabihin para sakin ay "Tapos na, dati pa, noon, nakaraan, past" at kung ano pa man.
At sa tuwing maaalala ang salitang "Nakaraan" ay ikaw at ang sakit ang aking nararamdaman.
Naaalala kita pero na sasaktan ako sa salitang "Naging".
Hanggang naging na nga lang ba talaga ang storya natin?
Dahil ba hindi ako ang mas gusto mo?
O mas dapat sabihing hindi mo talaga ako ginusto!
Umpisa palang alm kong hindi na ko.
Hindi na ko kase umpisa palng siya na.
Umpisa pa lang siya na ang gusto mo.
Ano nga ba talaga tayo?
Aww...
Wala nga palang tayo!
Ha-Ha-Ha
Nakakatawa dahil umpisa palang umasa na ko.
Na mag kakaroon ng tayo.
Pero sa hule nag karoon ng ikaw at ako.
Ikaw at ako.
Pero hanggang ikaw at ako na lang talaga.
At hindi na pwedeng magkaroon pa ng tayo.
Hindi ba taaga pwede? o malabo lang talaga!
Kasing labo ata ng mata mo!
Kaya sa tuwing mag krukrus ang ating landas at hindi mo makita.
Opsss
Pano mo nga ba ko makikita kung siya lang ang tanging nakikita mo.
Kahit peesensya nga lang ng pag katao niya mararamdaman mo agad.
Pero bakit yunv akin hindi mo maramdaman?
Ay oo ng pala MANHID ka kaya panigurado hindi mo yun mararamdaman.
At hindi rin naman ako siya para maramdam mo ang presensya niya.
Hanggang kailan nga ba ako makikipag kompetensiya sa taong kahit kailan di ko ma tatalo.
Lalo na kung ang hurado ay ang puso mo.
Para itong isang pag tatanghal.
Ako'y isang kalahok sa patimpalak na ito.
At siya'y aking kalaban.
At ikaw naman ang hurado.Handa na kong isulat ang tulang kalahati lang sana ang totoo.
Pero dagdag na lang ang iba SANA.
Pero ngayon totoo na ang bawat salitang isusulat ko roon.
Totoo na ang mga salita ng tulang iyon ang isusulat ko.
Advance ata ang tulang iyon.
Dahil ngayon palng ng yare ang mga salitang aking dinagdag roon.
Nagkatotoo ang tula na kusang nag sasalita sa aking isipan.***
A/N: May part 2 siya matagal na taagang na sa utak ko yun di ko lang maisulat ang haba kasi para sakin eh.😂😂😂 Saka yun talaga yung original kaso na dagdag lang tong part 1😂
