Kung ito na ang dulo 2.0

125 1 0
                                        


Maaari ba nating balikan ang simula?
Simulan natin kung saan tayo unang nagkita,
Kung saan una tayong nagkakilala.
Gusto ‘kong balikan ang ating mga alaala.

Kung paano tayo naging magkaibigan
At kung paano tayo, hindi nag-ka-ibigan.

Maaari mo ba ‘kong pagbigyan?
Sa huli ‘kong kahilingan sa ‘yo
Hindi ‘ko na hinihiling na maging tayo
Ang gusto lang ay balikan ang nakaraan.

Kahit 'yon ay isa na lamang alaala natin
Kahit sa huling sandali lamang
Pagbigyan mo sana ang aking hiling
Kahit pagtapos no’n ay wala na rin.

Balikan natin ang ating nakaraan
Kung saan masaya pa tayong dalawa
Habang tayo'y naglalaro sa duyan
Paulit ulit nating nilalaro ng walang sawa.

Kung paanong tayo'y masaya
Kapag kasama ang isa't isa
Hindi nauubusan ng kwento
Wari ba'y sa 'tin lang umiikot ang mundo

Subalit anong yari sating dalawa?
Tila tayo'y hindi na masaya
Sa piling ng isa't isa, Dalo
Bakit tayo nagkaganito?

Ang dati naging pagkakaibigan
Ay nagwakas lang sa kasawian
Hindi tayo maaring mag-ka-ibigan
Masisira ang ating binuong samahan

Subalit sa iyong pag-amin
Tayo ay nasira rin

Hanggang 'di na lang ba tayo?
Bakit nagkakaganito?

Nasa dulo na ba talaga tayo?
Hindi ko nais na dito tayo magwakas, Dalo!

Kung ito na ang ating huling sandali
Maaari bang ulitin nating muli.

Kung ito na ang ating dulo.
Maari bang bumalik tayo sa umpisa Dalo?

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon