Dalawang klase ng pag-ibig
Una'y mag-isang umiibig
Yung bang mag-isang nasasaktan
Sapagkat hindi kayang suklian.Pangalawa'y yung nagmamahalan
Magkatulad nang nararamdaman
At sabay silang nasasaktan.Sa dalawang pag-ibig na 'yan.
Akin ang nasa may unahan.
Mapaglaro kase si tadhana
Ako ang siyang napagtripan.Masaya naman sa umpisa
Tipong hindi ko pa alam
Kung masusuklian ako
Sakto lang pala ang binigay 'ko.Nakalimot ata ako ng panandalian
Subalit ng ako'y matauhan
Naalalang tama lang ang inilaan
Wala namang kulang o nasobrahan.Eksakto, kaya walang dapat hintayin
Oh, kahit ang hanapin.Bakit nga ba 'ko naghahanap ng sukli?
Sinadya 'ko namang sakto ang ibigay
Wika nila kapag kulang nakakabitin
At kapag sobra nakakasakal.Ngayon ay 'di na alam kung saan pwepwesto
Kung wala naman talaga akong lugar sa 'yo.Dalawang pag-ibig.
Isang nagtatanga-tangahan
At dalawang nagmamahalan.