Mga bituwin..
Mga bituwin sa kalangitan.
Ang sabi nila pag may bituwin sa kalangitan hindi uulan.
Hindi luluha ang langit.Naglakad ako ng nag lakad sa kawalan
Umaasa na umalan ang langit.
Umaasang sabayan ako ng langit.
Gusto kong umiyak langit.
Hindi na naman sa hindi ako na niniwala sa kasabihan na ka pag may bituwin sa kalangitan ay hindi uulan.Ang gusto ko lang naman ay damayan ako ng kalangitan.
Gusto kong umulan.
Gusto kong lumuha ang langit.
Hindi dahil gusto kong bumaha at tangayin ako nito.
Kundi gusto kong damayan ako ng langit.Sa isang iglab ng aking paglalakad sa kawalan.
Biglang may tumulo sa aking ulunan.
At sunod sunod na hanggang sa ng yari na ang gusto ko.Umulan ng malakas kahit may mga bituwin.
Buti pa ang pag ulan umayon sa ka gustuhan ng puso ko.Umiyak na ko ng tuluyan.
Dahil alam kong hindi ako papabayaan ng ulan.
Sya ang mag sisilbing payong ko.
Hindi payong na hindi ako na babasa.
Kundi isang payong na tatakpan ang mga luha, sakit, puot, galit, selos at kung ano pa man ang nararamdaman ko.Sa isang iglap ang ulan ang syang naging kaibigan ko.
Naramdaman kong hindi ako ng iisa.