Isang papel ang ibinigay sa akin
Paborito 'ko ang klase ng papel na ito
Sinubukan kong ingatan
Subalit hindi pala sapat ang inilaan.Hindi ko ito lubos na napagkaingatan
Sapagkat sa pag-aakala kong tama na
May kapiraso palang hindi tama
Nalukot ang hulihan.Nagkulang ako't naging pabaya
Sadyang naging kampante
Hindi tumingin sa maaaring mangyari.Pero... 'di ba hindi pa huli ang lahat?
Sa ikalawang papel na aking natamo
Ibinigay ko ang lahat
Hindi sa abot ng kasipagan ko
Kun 'di ang dapat at nararapat.Kung ang nais ko'y maging maayos ito
Ito'y dapat kong pakaingatan at mahalin.
Sapagkat ito'y sariling atin
Hindi man maaaring manakaw ng sino man
Subalit maaaring mapalitan
At tuluyang mawala ang diwa nito.
