Habang ako'y kumakain ng biskwit
Naisipan kong pumunta sa palikuran
Iniwan ang kapirasong biskwit sa tabi ng higaan
At noong ako ay bumalik, kinapa ang lalagyanan
Ngunit wala akong nakapa, tanging walang laman
Iniisip ko na baka kinuha ng bubwit
Pinagsawalang bahala ko na lamang
Dahil baka nakalimutan ko lang na naubos,
Pero alam kong hindi ko pa nauubos
Sa pag-iisip ko ay may biglang tumunog
Agad kong inangat ang kanang parte ng higaan
Upang hanapin kung saan nagmumula ang tunog
Ngunit wala akong nakita na kahit ano
Muling may tumunog sa ulunan ng higaan
Inangat ko naman ang kaliwang parte ng higaan
At tumigil ang aking mundo sa aking nasilayan
Ang aking combi ay na sa dulo na ng higaan
At may biglang humila rito, alam kong daga 'yon
Ang bilis ng pangyayari wala akong nagawa
Nakaramdam ako ng inis at awa
Sa aking sarili, tanging iyon lang ang kinain ko
Hindi ako kumain ng hapunan at tanging 'yon
Ang hirap maagawan lalo na at yun lang ang pagkain ko.
