Dedicated: gorgeouslyfat
Sana po magustohan niyo.(Secvania Pov)
Bigla mo kong tinawag at sinabing kaarawan mo na bukas.
Nagpanggap akong walang pake
Pero sa loob ko hindi ko alam kung anong gagawin
Nag-iisip ng ireregalo sayo at malamang hindi na naman ako makakatulog, dahil sa wala pa kong regalo sayo.
Ang sabi ko sayo "Wala akong ibibigay sayo"
Ngunit sabi mo ang prisensiya ko lang ay sapat na para sayo.
May naramdaman akong kakaiba ng dahil sa sinabi mo
Umuwi ka ng may problemang iniwan sa akin
At ngayon iniisip kung anong maaring ibigay sayoWalang tulog. Lutang. Puyat. Yan ako ngayon.
Hindi ako pwedeng matulog ng hindi tapos ang regalo ko sayo
Kahit dalawin pa ko ng antok ay hindi ko pinapansin ang mahalaga at may tapos ko ang Scrapbook naregalo ko sayo.
Na sa ika 22 pages na ko ng scrapbook
Ng bigla tumawag sa akin
Sabi mo batiin naman kita, dahil kaninang 12 ka pa nag hihintay na batiin kita.
Gusto kong humalakhak ng tawa,
Pero hindi kailangan kong magpanggap nakakagisjng lamang at nagising ng dahil sa tawag mo.
Ang sabi mo gusto mong ako ang unang bumati sa iyo
Hindi ko alam pero kinilig ako. Sa simpleng salita mo lang
Pero sa lahat ng saya ay may kapalit rin na lungkot.(Secvania Pov.)
Gumawa ako ng scrapbook
Dahil ang gusto ko ay mayroon akong regalong ibibigay sayo
Alam mo bang hindi ako na katulog ng dahil sa scrapbook na yan
Ohhh
Malamang hindi
Binabasa mo ang mga nakasulat sa loob
Nainis ka kase puro pa papuri sa aking sarili ang mga na kalagay roon.
Pero alam mo bang sa dulo non ay sumugal ako at inamin roon ang aking tunay na nararamdaman
Pero ano?
Hindi mo yun na basa
Dahil ang sabi mo "Sayo na yan! Di ko na kukunin yan" at padabog mong inilapag iyon.
Nasa ikalawang pahina ka palang, pero ayaw mo ng ituloy pa.
Ayaw mo? Kase hindi ako si Pandesal mo no!
Padabog kong kinuha ang scrapbook at pinunit ito
Tang na juice e!
Pinagpuyatan ko to, hindi ako na tulog ng hindi ko to tapos
Tapos ano aayawan mo lang?
Kung sa bagay hindi naman ako si PANDESAL mo.
Kaya wala kang pakelam sa gawa ko.
Itutuloy ko pa sana ang pagpunit, pero nakialam ka
Kaya ang ginawa ko ay isinilid na lang ulit sa paperbag ang scrapbook
Umalis ako ng bahay niyo ng daladala ang paperbag na may laman na scrapbook na punitpunit
Na parang puso ko na dinurog mo
Hindi naman kase galing kay Pandesal itong scrapbook kaya hindi mo kayang pahalagahan
Binuksan ko ang paperbag ng kaunti
Nanlumo ako sa aking na kita
Ang pinaghirapan ko ay pirapiraso na lang
Pinagpuyatan ko to e!
Totoo namang cute ako.
Ang sabihin mo tamad ka lang magbasa!
Ang tanga ko naman kase e
Bkit gumawa pa ko ng effort?
Ano ako si jollibee pabida masyado?
Namalayan ko na lang ang pagtulo ng luha ko
Hindi niya deserve ang mga patak ng luha ko.
Nakakita ko ng basurahan at walang pag-aalinlanan na itinapon doon ang paperbag.
Wala na!
Wala na ring silbi yun
Hindi mo nga kinuha e!
Sayang effort no?
I don't care!( Nicolas Pov )
Binabasa ko palang ang letter ay kinikilig na ko.
At ng mabasa ko ang sumunod na pahina ay huminto na ko
Dahil ayokong makitang mong kinikilig ako.
Hindi pwede dahil kuya ang tingin mo sakin
Sino ba naman ako?
Nagkukunwari lang naman ako na hindi ko na yun kukunin
Pero bakit pinunit mo?
Bigay mo yan sakin e!
Nagmadali kang umalis
Pero sinundan kita
Sinundan kita
Hanggang sa na kita kong tinapon mo ang paper bag
Ng malayo kana mula sa basurahan na pinagtapunan mo non ay agad ko iyong kinuha
Umuwi ng bahay at doon ko iyon binasa
Binasa hanggang sa na basa ko ang nararamdaman mo para sakin
Kinikilig ako
Hindi ko alam kung tama ang kiligin para sa isang lalaking katulad ko pero kinilig ako aa mga na basa ko.
