Binabalikan na naman ako nang multo ng nakaraan
Mga alaalang pilit kong kinalimutan
Pagpikit na aking mata ang itsura mo ang nakikita
Laging iniisip na nasa harapan na naman kita
Nakatingin, nakatitig, nakatulala sa aking muka
Pinapanood kung paano ako matakot sayo
Lumayo ka! Ang pagmamakaawa ko sayoNagtaasan ang mga balahibo sa aking katawan
Nanginginig ako sa kaba na iyong dala
Muling bumabalik ang nakalimutang alaala
Pakiusap umalis ka sa aking harapan
Upang hindi na ako mahirapan
At wag ka ng bumalik sa aking buhay
Dahil sa akin matagal ka nang patayGusto kong tumakbo ng tumakbo
Papalayo sayo, nang malayo sayo
Nag babakasakaling mawala ka ng tuluyan
At ako ay iyong kalimutan
Pero hinabol mo parin ako kahit ayaw ko na
Sa relasyong sinukuan ko na
Matagal na kitang tinakbuhan
Dahil sawa na akong masaktan
Ngunit ito ka nanaman at hahabulin ako
Ayusin ang relasyong sinira mo
At ako'y muling tatakbo
Nagbabakasakaling sukuan na lamang akoNakakapagod na, ang gusto ko lang ay tuluyan ng kalimutan ang nakaraan
Dahil matagal na kitang tinatakbuhan
At oras na para harapin ko na ang aking kinakatakutan
Kailangan ko ng tanggapin ang katotoohanan
Na isa ka na lang multo ng aking nakaraan
At hindi na dapat pa akong masaktan***
Happy halloween. ;)
