Talento

921 2 0
                                    

Sining ipinapamalas ang angking talento ng bawat.
Sa iba't ibang larangan.
Inilalarawan ang mga saloobin na hindi maisatinig.
Pinapadama ang pagmamahal sa paglikha.

Maraming talento ang bumuo
Iba't iba man subalit sadyang nakakabilib.
Sa larangan nila'y hindi padadaig.
Layunin na taluntunin ang tinitibok ng puso.

Musika, ipinapadama ang iba't ibang emos'yon.
Mag-aawut man o hindi, damdamin ay iyong madadama.
Kapag ang labi ay nagsimula ng bumuka.
At ang mga salita'y nagsilabasan.

Sayaw, sa pag-indayog ng katawan.
Ang pag-alon ng mga bisig.
Paa'y hindi mapakali.
Sa pagkumpas ang puso'y nakikiisa.

Sa paglikha ng larawan.
Sinisimulan ng iguhit ang kapalaran.
Obra'y walang kabuhay buhay.
Unti-unting pinapakulay.

Makata ang sumusulat ng  piyesa na hindi lamang basta bastang isinulat.
Puso't isip ang inalay mabuo lamang ang bawat salita na nakapaloob rito.
Ang bawat linya, taludturan, sakno at pati na rin ang tugmaan at mensahe nito.
Siya rin ang magdbibigay ng boses at damdamin sa kanyang likhang piyesa.

Ang lahat ng ito nagsimula sa pangarap at kagustuhan.
Hanggang sa nakita't nalaman ang kakayahan.
Hindi madali ang naging simula at pinagdaanan.
Bago marating ang pinapangarap na makamtan.

A/N: Gawa ko siya para sa mapeh namin. Mapeh month at ako ang lalaban sa section namin. Sana magustuhan niyooo!

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon