Kapaskuhan

149 2 0
                                    


Hindi naman sa simo'y ng hangin mo mararamdaman ang kapaskuhan 'di ba?
Hindi naman dahil sa edad mo mararamdaman ang kapaskuhan 'di ba?
Hindi naman sa perang matatanggap mo mararamdaman ang kapasukahan 'di ba?
Hindi naman sa pa iba't ibang panahon mo mararamdaman ang kapasukuhan 'di ba?

Dahil ang tunay na kahulugan ng pasko
Sa puso mo lang mararamdaman at malaman.

Wala sa simo'y ng hangin na dumidikit sa balat mo
Wala sa perang natatanggap mo
Wala sa edad mong tumataas kada taon
Wala sa makabagong panahon.

Ang mga taong nakapaligid sa 'yo
Ang magpaparamdam ng tunay na diwa ng pasko 
Ang mga taong mahal mo 
Ang siyang magbibigay saya sa pasko mo. 

A/N: Merry Christmas!💜

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon