Seen...
Apat na letra,
Binubuo ng bawat hindi mo pagtugon sa aking mga minsahe.Seen...
Bakit hanggang tingin ka na lang?
Minsan gusto kong isipin na
may pag tingin ka sakin.
Pero wala naman di ba?
Dahil wala nmn talagaSeen...
Akala ko natulala ka sa minsahe ko!
Akala ko hindi mo alam ang sasabihin mo!
Akala nakapokus ang yung mga mata sa aking minsahe.
Pero alam naman natin, na isa lamang yung kabaliwan.
Isa lamang yung akala.
At mananatiling akalaSeen...
Bakit lagi mong sineseen ang mga minsahe ko?
Bakit wala ba kong halaga sayo?
Bakit ayaw mo ba sakin?
Bakit hindi mo matugunan ang aking simpleng minsahe?
Bakit?SEENaktan ako ng mga simple mong seen.
SEENampal ng katotoohanang wala na kong pag-asa sayo.
SEENindihan ang bomba sa puso ko, na unti-unti ng sumasabog.
SEENakal na sakin ang katotoohanan na hanggang seen na lang ako.
SEENabi na ng simple mong seen na ayaw mo sakin.Marahil hanggang seen na lang ang matatanggap ko sayo.
