Maaari pa nating balikan ang simula?
Simulan natin kung saan tayo unang nagkita
Kung saan una tayong nagkakilala
Gusto kong balikan ang ating mga alaala
Kung paano tayo naging magkaibigan
At kung paano tayo, hindi nagkaibigan
Maaari mo ba kong pagbigyan?
Sa huli kong kahilingan sayo
Hindi ko na hinihiling na maging tayo
Ang gusto lang ay balikan ang nakaraan
Kahit iyon ay isa na lamang alaala natin
Kahit sa huling sandali lamang
Pagbiyan mo sana ang aking hiling
Kahit pagtapos no'n ay wala na rin
Balikan natin ang ating nakaraan
Kung saan masaya pa tayong dalawa
Habang tayo'y naglalaro sa duyan
Paulit ulit nating nilalaro ng walang sawa
Kung ito na ang ating huling sandali
Maaari bang ulitin nating muli
~AsiraSantos
