Wag mo kong pigilan umiyak
Dahil tulad mo na nagmamahal sa kanya
Hindi kita pinigilan na mahalin siya
Kahit patuloy ka lang niyang sinasaktan.
'Wag mong sasabihing "tahan na"
Dahil tulad mo ay pinigilan ko ring hindi masaktan
Pinigilan ang sarili na 'wag umiyak
Dahil wala ka na ngang karapatan masaktan bawal ka pang umiyak
Ngunit traydor talaga ang mga luha
At tulad ng ulap sa kalangitan
Kapag hindi na kayang buhatin ang bigat
Kusa ng bumabaksak ang mga ulan
Tulad ko pinigilan ang aking mga luha
Ngunit kusa silang kumawala
Kaya 'wag mo sana akong patahanin
Sa tuwing ako'y umiiyak
Na pagod lang talaga kong buhatin ang bigat na aking nararamadaman
Kaya sana 'wag mo kong pigilan tulad ng hindi ko pagpigil sa'yo.
Ang pagluha at pagmamahal ay may pagkapareha
Kapag nagmamahal ka ay nasasaktan
At kahit gaano kasakit ay hindi ka tumigil
Hindi mo siya basta basta nakakalimutan.
Sa pagluha ay kahit anong pagpunas ko
Hindi siya natatapos sa pag-agos.
Sa pag-ibig ay kahit anong sakit
Hindi ka madaling sumuko.
Uulitin ko...
'Wag mo kong pigilan umiyak.
Tulad ng hindi ko.
Uulitin ko...
'Wag mo kong pigilan umiyak.
Tulad ng hindi ko pagpigil na mahalin mo siya.
