Minsan talaga dumarating tayu sa point na kailangan nating gawin ang isang bagay para mapangalagaan ang image nya.. Hindi ko naman ginusto eh , hindi ko ginusto na maging part ng buhay ng isang Wharton Ledesma, isa lang naman akong stalker nya na naging girlfriend nya dahil sa picture na inapload ko, may magagawa pa ba ako ?? Wala na eh , nangyare na ang dapat mangyare ... At ang kailangan ko na lang gawin ay ang sumunod sa drama at pag papanggap naming dalawa , lalo na ngayun , malapit ng umiba ang takbo ng buhay ko dahil makikita ko na sya araw araw , kung hindi lang sya sikat hindi ko to gagawin , pero naaawa ako dahil kasalanan ko naman kung bakit nangyare to sa kanya ...
Siguro may rason kong bakit naging part ako ng buhay nya , kung bakit nakilala ko sya at kung bakit nag cross ang landas naming dalawa , mga tanung na maaaring totoo o maaaring hindi totoo , bahala na basta ako handa ako sa posibleng mangyare ...
Hindi ko na matandaan kung paanu kami nag kakilala , kung paanu ako nakapasok sa buhay nya at kung paanu gumulo ang buhay ko ng dahil sa kanya .. Ng dahil sa kanya kailangan kung mag ingat , nang dahil sa kanya wala na akong privacy dahil kailangan kung mag Ingat para sa ming dalawa .. Kung pwede nga lang sabihin na panaginip lang ang lahat hindi sana ako mahihirapan ng ganito .. Tssss
Tumigil yung private car na sinakyan namin sa isang napaka gandang mansyun , ngayun lang ako nakakita at makakapasok sa isang mamahaling bahay na ganito .. Ni minsan hindi ko pinangarap na tumira sa ganito kalaking bahay , Hindi ba nalulungkot si Wharton dahil mag isa lang sya dito ??
Nag lalakad kami papasok ng mansyun , kasama ko si Lorna , yung Personal Assistant ni Wharton , habang ako hila hila ko yung maleta ... Napapanganga ako sa sobrang ganda ng view , inikot ko yung mga mata ko para makita ang buong paligid ng mansyun ..
"Grabe ang Ganda " sabi ko
"Ms. Charlene Welcome sa bagu mong buhay , Simula ngayun dito kana titira " Lorna
Nginitian ko sya " Hindi pa rin ako makapaniwala eh , hindi ako makapaniwala na dito na ko titira " sabi ko habang nakatingin sa mga view ng mansyun ..
"Kasama yan sa contract mo , kung may kailangan ka o problema tawagan mo lang ako , alam mo naman si Sir Wharton masyadong suplado " Lorna
Sa totoo lang , nahihiya din ako kay Lorna , kasi hindi naman nya to trabaho , pati sya nadamay sa kalokohan ko ... Nag lakad kami papasok ng mansyun , nasa loob na kami , sumalubong sa amin ang mga malalaking painting at furniture halos lahat na ata ng gamit nasa loob na , grabe ang yaman yaman naman pala ni Wharton , akalain mo yun , sa mura nyang edad naka pag Pindar na sya ng ganito , nilapitan ko yung painting , gusto kong hawakan.. Hahawakan ko na sana pero ..
"Wag mong hawakan yan " Lorna
Lumingon ako sa kanya " bakit ?? " sabi ko
Nakatingin sya sa kin " Ang painting na yan ang pinaka mahal sa lahat , ayaw na ayaw ni Sir Wharton na hinahawakan yan ng basta basta " Lorna
Grabe naman masyado naman maarte si Wharton , hahawakan lang naman eh .
"Ganun ba ?? Ang ganda kasi ng mga paintings " sabi ko
"Maganda talaga , lahat yan mga sikat na painter ang mga gumawa " Lorna
Mahilig pala si wharton mag collect ng paintings , nakakahanga naman sya , siguro lahat ng paintings nya masyadong mahal ng mabili nya ... Asan ba si wharton? Bakit wala sya dito , baka mamaya magulat na lang yun at masigawan ako dahil nandito na ko sa contract , wala naman akong number nya para tawagan sya ...
Nakatingin pa din ako sa buong mansyun , masyado naman atang malaki ang bahay na to para sa ming dalawa , si Lorna naman parang tourist guide dahil ang dami daming ini explain na rule sa bahay , mga bagay na hindi pwedeng gawin ...
BINABASA MO ANG
WTF (Wala Talagang Forever) - (Complete)
RomanceHindi ako naniniwala na may forever dahil kung meron hindi sana ako iniwan ng mga taong mahal , kaya nga hindi na ko mag mamahal ulit dahil ayuko ng masaktan kasi nga Wala Talagang Forever.