Chapter 44 : I Love you Forever

324 13 2
                                    

I will spend all my efforts to the person who will show me how important i am. :)

Madami ng nag bagu ngayun pa ba ako susuko ?? Ngayun pa ba na malapit ng matapos ang story ko , gusto ko hanggang sa huli hindi ko sya isusuko , ang layu na pala ng narating namin , ang layu na ang dami ng nag bagu , nang dahil sa picture na kilala ko sya , ng dahil sa picture naging boyfriend ko sya at ng dahil sa picture nasaktan ako pero okay lang dahil ang lahat ng yun ay bahagi lang ng aming love story ..

Lalo na ngayun alam ko na ang dahilan kung bakit nya ko iniwan noon , gusto ko syang makasama hanggang sa huli alam ko hindi nya ginusto yung nanyare noon , naiintindihan ko na kung bakit nya ginawa yun , ginawa nya yun dahil ayaw nyang mawala si Shara sa kanya , dahil little sister nya to kaya ginawa nya yun just to save Shara , kaya wala ng dahilan para wala akong gawin para sa ming dalawa ..

Hindi ko alam pero andito ako ngayun sa may mansion sa bahay ni Wharton gusto ko syang makita at makausap , parang nag flashback lahat ng nangyare sa min noon , yung unang beses na tumira ako dito , lahat yun naaalala ko unti unting bumabalik lahat ng masasayang nangyare sa ming dalawa , ang bahay na to ang saksi sa lahat ng nangyare noong araw na okay pa kami , ang bahay na to ang dahilan kung bakit kami nag karoon ng love story ..

Pumasok ako sa loob , ganun na ganun pa din ang ayus ng mansion yung mga paintings , yung setup sa sofa ganun na ganun pa din , natatandaan ko pa dati yung oras na hinintay ko sya at yung araw na hinintay nya ko sinungitan nya lang naman ako. Hindi ko alam kung mag sasalita ba ako o gusto ko na lang umalis. Pero yung mga paa ko may kusa sa pag lalakad ..

Umakyat ako sa taas pero hindi ko sya nakita. Sinilip ko yung kwarto nya at nagulat ako sa nakita ko , pumasok ako at nakita ko yung picture naming dalawa. Yung picture namin nung valentines , napapangiti na lang ako pag naaalala ko yung araw na to , kaya naman lalong bumilis ang tibok ng puso ko , naalala ko yung araw na nag karoon sya ng sakit ako lang naman ang naging nurse nya non. Namimiss ko na yun , sana maulit ulit yun dahil gusto kong maulit ulit ang bagay na yun ..

Lumabas ako ng kwarto nya at agad akong bumaba ng hagdan habang bumaba ako unti unti na namang bumabalik lahat ng mga alaala naming dalawa , sana hindi matapos sa ganito ang story namin , pumunta ako sa may pool at nakita ko syang nakatalikod parang kailan lang andito ako kasama nya sa lahat ng oras at problema nya , hindi ko alam kung anung gagawin ko nakatingin lang ako sa likod nya , hindi ako makagalaw , ang gwapo nyang tingnan lalong bumilis ang tibok ng puso ko , hindi ko alam kung bakit ..

"Wa-wharton " sabi ko

Lumingon sya sa kin at kitang kita ko sa mga mata nya na nagulat sya ng makita ako

"Charlene ?? " Wharton

Bigla akong lumapit sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit parang tumigil ang mga oras na yun , ang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko alam kung bakit ..

"Wharton , alam ko na ang lahat " sabi ko

Tumingin sya sa kin

"Huh ??? Ang alin ?? " Wharton

"Bakit hindi mo sinabi ??? Bakit hindi mo sinabi sa kin ang dahilan Wharton " sabi ko

Lumayu kami mula sa pag kakayakap, tumalikod sya sa kin habang ako nakatingin lang sa kanya nasa likod nya ako

"Dahil gulong gulo ako ng mga oras na yun , hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo kaya minabuti ko na lang na tapusin na ang lahat " Wharton

Ang lungkot ng boses nya , gusto ko syang yakapin pero hindi ako makagalaw , humarap sya sa kin

Gulp gulp

Hindi pa din sya nag babagu napapalunok pa din ako pag tinitingnan nya ko , hindi ko alam kung bakit ..

WTF (Wala Talagang Forever) - (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon