Chapter 16 : Please, Stay with me

309 15 0
                                    

Dati akala ko magiging madali na lang ang lahat pero bakit ngayun yung mga bagay na gusto kung mangyare bakit kabaligtaran lahat , dati hindi ko naman pinangarap na maging girlfriend ng isang Wharton Ledesma pero bakit ganun nahihirapan na ba ako sa pinasok ko sadyang bahagi lang ito ng aming love story ??

Hindi ko alam kung anung gagawin ko , hindi ko alam kung among gagawin ko kinakabahan ako at natatakot nung nakita ko sya , nung nakita ko syang nakahiga sa kanyang higaan , hindi ako makagalaw ng mga oras na yun , hinawakan ko yung leeg nya , ang init sobra kinakabahan ako kasi naman malay ko ba sa ganitong kadramahan akala ko talaga ... Buti na lang , buti na lang at okay na sya ..

Nakaupo ako sa gilid ng kama nya habang pinupunasan ko sya ng basa na tuwalya , kailangan ba talagang gawin to ..

Gulp gulp

Napapalunok ako habang pinupunasan ko sya sa mukha alam mo yun wala kang pwedeng gawin kung hindi titigan sya habang nagpapahinga ...

"Im sorry wharton , kung wala ako kanina " sabi ko

Pinupunasan ko pa rin sya , iniisip ko paanu na lang kaya kung may nangyaring hindi maganda sa kanya , buti na lang talaga hindi masyado kalala yung lagnat nya .. Tinititigan ko lang sya ganun yung posisyun ko pinupunusan ko sya sa mukha ,sa leeg , sa braso dinaig ko pa ata ang nurse sa ginagawa ko , pinunasan ko din yung anu nya

Gulp gulp

Kailangan ba talaga ?? Kailangan ba talagang punasan pati yung anu nya .. Nanginginig ako baka isipin nyu pinag nanasaan ko na si Wharton , nanginginig ako eh kasi naman

Gosh !!! Gulp !!! Gulp

Anu ba tong nangyayare sa kin , hinawakan ko na yung anu nya , yung tyan feeling ko namumula ako sa ginagawa ko , pinunasan ko yung tyan nya ramdam ko yung mga pandesal sa katawan nya..

Gulp gulp

I'm sorry . please kill me kung mali ba tong ginagawa ko kasi naman eh, ngayun ko lang to ginawa sa tanang buhay ko... Bakit ko ba sya pinag nanasaan , anu ba tong nangyayare sa kin ..

Nilagay ko yung bimpo sa ibabaw ng noo nya , kinakabahan ako nagtataka kung bakit nangyare to sa kanya, siguro stress lang to kaya nangyare to sa kanya kasalanan ko naman siguro kung bakit nangyare sa kanya to , nakatingin lang ako sa kanya , pinag mamasdan ko sya , ang gwapo nya pa din kapag tulog , ganun na ganun pa din ang itsura nya , ang gwapo nya talaga ...

Patayu na ko ng higaan nya ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko, hindi ako makagalaw ng maayus , ang higpit ng hawak nya sa kamay ko , tumingin ako sa kanya .

"Please , stay with me " Wharton

"Huh ? Pe-pero ??? " sabi ko

"Please ??? " Wharton

Nakapikit sya habang nagsasalita umupo ako sa tabi ng higaan nya , hawak hawak ko yung kamay , nakatingin ako sa kanya habang sya nakapikit , nakatingin lang ako sa mukha nya tinitigan ko sya napakaamo ng mukha nya , ang sarap sarap nyang tingnan hinahaplos ko yung buhok nya , alam mo yun para syang bata sa ginagawa ko hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, mahal na mahal kita Wharton .

Mukhang nakatulog na sya nang mahimbing , nakatingin lang ako sa kanya iniisip ko kung okay na ba sya kung kaya na nya ang sarili nya ??? Lalo na ngayun malapit na yung concert nya alam ko masyado syang busy ngayun, alam ko wala akong karapatan na makialam kung anu mang gusto nya, sorry kung wala akong lakas ng loob para supurtahan ka ...

Tumayo ako at inikot ko yung paningin ko , tiningnan ko ang buong paligid ng kwarto nya , ito ang unang beses na makikita ko at matititigan ng matagal , ang daming paintings sa loob ng kwarto nya, nasa gilid naman yung piano nya .. Nag lakad lakad ako sa loob ng kwarto nya hanggang sa makarating ako sa lugar na madaming books , mahilig din ba syang magbasa??? Sa bagay sya lang naman ang top one ng school namin,kaya hindi na nakakapagtaka na matalino talaga si Wharton, si Wharton na masungit na boyfriend ko I'm sorry kung wala akong maipag mamalaki sa kanya , kasi naman hindi ko naman na pinangarap na maging girlfriend nya, alam ko wala akong maipagmamalaki pero sapat ng alam namin na nag mamahalan kami...

WTF (Wala Talagang Forever) - (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon