Chapter 40 : Behind her back

275 11 0
                                    

Sabi nga nila kahit anung gawing ingat mo sa mga sikreto mo darating at darating ang panahon na malalaman ng lahat ang totoo , takot lang tayu na malaman dahil ayaw lang natin masaktan sila o tayu ang masasaktan , ang daming secrets sa buhay pero lahat ng yan nalalaman at malalaman ng mga taong nag mamahal sayo ..

No one is perfect lahat tayu nag kakasala kung kasalanan naman ang mahalin ako dapat sinabi nya , hindi ko alam pero gusto ko pa din syang makita , makita at makausap kahit alam kong wala ng pag asa at panahon para  makita ko sya , takot na nga akong mag mahal eh takot na kong masaktan dahil hindi ko alam kung may mag seseryuso pa ba sa kin , dahil ayuko na pare pareho lang naman kasi sila mga manloloko ..

Kung may pag kakataon na tatanungin ko sya isa lang naman ang itatanung ko. " bakit mo ko iniwan " yun lang naman ang gusto kong itanung sa kanya pero alam kong malabo ng mangyare yun dahil unang una kinalimutan na nya ako but still umaasa pa din ako na balang araw mag kakaroon kami ng closure sa isat isa , ayuko munang isipin ang bagay na yan ngayun dahil mas gusto kong unahin muna ang pag aaral ko.  Bata pa ako at madami pa akong makikilala ..

.

.

°°°°°°°Wharton POV°°°°°°

Minsan kailangan mong tanggapin na may mga taong kaya kang saktan para maging masaya sila kahit sa tingin ng iba ay napaka malaking mali pero mas pinipili pa din natin na itago na lang , pero hanggang kailan mo panghahawakan ang salitang mahal kita kung sa kabila nito ikaw lang ang masaya at hindi sya , madaya ang tawag sa mga ganung tao ,lahat gagawin makuha lang ang gusto..

Hindi ako makapaniwala na magagawa nyang lukuhin ako , nag bubulag bulagan ako sa mga nakikita ko , pero sabi nga ang lahat ay may hangganan , Tama ang hinala ko na wala pala syang sakit niluko nya ako , pinaniwalang totoo ang lahat pero hindi pala ..

Nakaupo ako sa may sofa hawak hawak ko yung resulta ng ginawang imbistigasyun, hindi pala totoo na may cancer sya , pinaniwala nya ako para layuan ko si Charlene.  Minsan iniisip ko kung bakit nya yun ginawa sa kin ...

.

.

^^^^^ FLASHBACK ^^^^

Nasa restaurant ako ngayun , ngayun ang araw na malalaman ko kung tama ba yung hinala ko o hindi ayukong mag isip ng kung anu anu pero hindi ko maiwasang mag isip paano kung totoo lahat ng hinala ko ?? Hindi ko alam kung anung gagawin ko sa kanya ..

Iniabot sa kin ni John yung folder na hawak nya at kinuha ko

"Ayan na ang resulta " John

Nakangiti syang nakatingin sa kin , binuksan ko yung folder

"Base on my invistigation fake ang iniinum nyang gamot " John

Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya , tumingin ako sa kanya

"What do you mean ?? " sabi ko

Tumingin sya sa may folder na hawak ko

"Wala syang sakit , wala syang cancer " John

"Anu ?? " sabi ko

Tumingin sya sa kin habang ako hindi ko alam kung anung gagawin ko.  Hindi ako makapaniwala na magagawa nya akong lukuhin ng ganito

"Hawak mo ang patunay na wala syang cancer , ang iniinom nyang gamot ay isa lamang pang karaniwang gamit " john

"You mean ??? Niluko lang ako ?? Pero bakit nya yun gagawin sa kin ?? " sabi ko

"Wharton , hindi ko na trabaho yan , tapos na yung trabaho ko siguro mabuti pang sya na lang ang tanungin mo " John

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya at nag iisip ako kung papaniwalaan ko ba sya o hindi ?? Hindi ko kasi maisip na magagawa ni Shara na lukuhin ako , iniabot ko sa kanya yung bagad ko

WTF (Wala Talagang Forever) - (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon