Sabi nga nila " Mahalin mo ang iyung kaaway at ikaw ay pag papalain " pero ang tanung kaya ko ba ?? Kaya ko bang makita na unti unting inaagaw ng iba ang dahilan kung bakit ako masaya , ayukong mangyare yun kung kinakailangan na ipag laban ko sya gagawin ko yun wag lang maagaw ang taong mahal ko ..
Iba iba ang pananaw natin sa buhay , lalo na pag dating sa pag ibig , minsan pinag lalaban natin kasi yun ang tama minsan naman sinusuko natin dahil alam natin at nakikita na masaya sya , yun ang tinatawag na pag paparaya , pero ako , hindi ko kayang gawin yun , hindi ko kayang gawin yun dahil alam ko nasa tama ako at wala akong maling ginagawa ..
Ayukong mag isip ng kung anu anu ang importante ngayun maging maayus ang lahat. Masaya ako kasi finally nakita na ni Wharton yung Mom nya at alam ko magiging okay na ang lahat , ang sarap isipin na kahit paano naibsan ng kaunti ang problema ni Wharton alam nyu naman isa pa sa mga iniisip ni Wharton yung kalagayan ni Shara kasi naman eh sana gumaling na sya , kahit alam ko na hindi pabor yun sa ming dalawa gusto ko pa din syang gumaling ganun ako kabait ..
Nasa sasakyan kami ngayun kasama ko si Wharton , sasamahan ko kasi syang dalawin si Shara may dala pa akong mga fruits para sa kanya , gusto ko syang makita , gusto ko syang kumustahin kasi alam nyu naman na may cancer yun kaya kahit mahirap kailangan ko syang tulungan alang alang kay Wharton kahit man lang dun matuwa sya ..
"Wharton , ako ba yung may sakit aalagaan mo ba ako ?? " sabi ko
Tumingin sya sa kin kaya iniwas ko yung tingin ko sa kanya ..
"Bakit ?? " Wharton
Tssss asar naman kunyare nga lang eh tapos ang sagot nya bakit lang tssss
"Wala lang , kunyare lang naman eh" sabi ko
Tumingin ako sa kanya ang cute nyang tingnan kahit ang seryuso ng mukha nya
"Syempre aalagaan kita , at hindi ako papayag na hindi ka lumaban para labanan yang sakit mo , paano na lang kung mawala ka paano na ko ?? " Wharton
"Ayieh , kinikilig naman ako " sabi ko
Kasi naman siguro ang galing nya mag alaga , kinikilig ako sa sinabi nya kasi alam nyu naman si Wharton minsan lang mag sabi ng sweet words Hehe , nakangiti lang ako habang nakatingin sa may bintana .. Kasi naman pag naiisip ko yung sinabi nya hindi ko mapigilang kiligin
"Aray " sabi ko
Kasi naman binato nya lang naman ako ng cramp paper hayss panira ng kilig moments eh. Tumingin ako sa kanya ang dilim ng mukha nya tsss anu kayang masama sa sinabi ko ?? Para sinabi ko lang na kinikilig ako tapos binato nya lang ako ..
"May nakakatawa ba ?? " Wharton
"Wala , bakit masama na bang tumawa ?? Bawal na ba ?? " sabi ko
"Tsss " Wharton
Umiling lang sya habang ako tahimik na ngumingiti kasi naman eh minsan lang ako kiligin kaya pag bigyan nyu na Hehe , kayu naman minsan lang to , paminsan minsan sinusulyapan ko sya , tinitingnan ko sya kasi naman ayaw na nyang magsalita masyado naman ata syang pikon tssss minsan lang naman eh ..
Pero sa totoo lang ang saya ko ngayun , ang saya ko kasi kasama ko pa sya ngayun kahit alam kung ang dami nyang iniisip ngayun kahit paano nabibigyan nya pa din ako ng oras para kausapin sya hindi ko alam kung bakit pero masaya ako , masaya ako dahil araw araw lagi kaming mag kasama lagi kung dinarasal na sana sya na talaga ang forever ko ..
Bumaba na kami ng sasakyan nasa harap na kami ng hospital kasi nga diba dadalaw kami ng Shara ngayun , dala dala ko yung fruits na ginawa ko , nakasunod lang ako kay Wharton kasi naman masyado na namang seryuso ang mukha nya , para akong tanga na nakabuntot sa kanya .
BINABASA MO ANG
WTF (Wala Talagang Forever) - (Complete)
RomanceHindi ako naniniwala na may forever dahil kung meron hindi sana ako iniwan ng mga taong mahal , kaya nga hindi na ko mag mamahal ulit dahil ayuko ng masaktan kasi nga Wala Talagang Forever.