Isa sa mga dahilan kung bakit tumatagal ang isang relasyun ay ang pag kakaroon ng magandang samahan , kumunikasyun ang isang dahilan kung bakit nagagawa nating ngumiti at mag mahal , minsan may mga bagay na mahirap intindihin at ang bagay na yun ang dahilag kung bakit nag kakaroon ng misunderstanding..
Two hardest things in life :
Letting go when all you really want is to stay and making someone stay when you know they really want to leave ..
Mahirap pero totoo yung bang akala natin sila na yung taong makakasama natin hanggang sa huli pero hindi. May mga dahilan kung bakit tayo iniiwan maaaring hindi na sila masaya sa tin o maaaring may iba na sila , mahirap tanggapin ang katutuhan dahil masakit ..
"Minsan talaga hindi sapat yung pagmamahal mo para manatili sa tabi mo ang isang tao. Yun bang kahit ibigay mo na lahat, at the end of the day mas pipiliin nya pa din yung saktan at iwan ka "
Ganun talaga dapat , akala mo okay na pero kulang pa pala , masakit pero bahagi yun ng dalawang taong nag mamahalan , kahit ako hindi ko alam kung hanggang san kami, I want to make happy kasama si Wharton at hindi ako papayag na masira yun ng dahil lamang sa maliit na bagay , gusto kong mapatunayan na may forever dahil ngayun ko lang naramdaman ang magmahal ng sobra at ayukong masaktan ulit , ayuko ng maulit na masaktan gusto ko sya na , sya na hanggang sa huli ..
Ang dami ng nangyare , tandang tanda ko pa yung unang beses na nag kita kami , pag naaalala ko yun hindi ko maiwasang mapangiti kasi naman expected the unexpected eh yung taong gusto ng lahat sa kin pa talaga napunta ..
Nasa bahay lang ako ngayun si Wharton maaga syang umalis kanina nakakatampo nga eh ni hindi man lang ako kinausap ni Hindi man lang ako kinamusta kong okay lang ba ako , feeling ko nga hindi na ko mahalaga para sa kanya ni hindi man lang nya ako kinausap mula pa kagabi , nag tatampo siguro yun , kasalanan ko ba yun ?? Bakit hindi nya ko kinikibo ?? Wala naman akong kasalanan diba ?? Pero bakit ganun sya ?? Sana Hindi na lang ako pumunta kahapon sa hospital kasi naman eh malay ko bang mangyayare yun , malay ko bang aatakihin sya ng oras na yun , kasalanan ko ba o wala akong kasalanan ?? Ayukong mag isip ng kung anu , gusto ko syang makausap mamaya bahala na kung masigawan nya ko ..
Ding dong
May nag doorbell , agad akong tumayo para buksan kung sino ang dumating , habang nag lalakad ako hindi ko maiwasang mag isip ng hindi maganda, mindan tinatanong ko yung sarili ko kung nag kakalabuan na kami o hindi kasi feeling ko wala na ... Anu ba tong pinag iisip ko , bat ba ako nag iisip ng mga ganung bagay and besides may tiwala naman ako kay Wharton ..
Binuksan ko yung pinto, Hindi ko kasi alam kung sinong dumating ..
"Tita ?? " sabi ko
Si Tita Flor yung dumating hindi ko alam kung anung ginagawa nya dito, nakangiti syang pumasok sa loob .. Nag beso ako sa kanya ganun din sya ..
"Kumusta iha" Tita Flor
Iginala nya yung paningin nya sa buong mansyun ..
"Okay naman Tita , napadalaw kayu ?? " sabi ko
"Well , sinadya ko talagang pumunta ngayun, gusto ko kasing makita ang bahay ngayun , sya nga pala asan si Wharton ?? " Tita Flor
Nakasunod ako sa kanya kasi iniikot nya yung buong mansion. . nakatingin sya sa may mga paintings ..
"Wala Tita , nasa hospital sya ngayun " sabi ko
Tumingin sya sa kin , kahit nasa mid 40s na sya mukha pa rin syang bata tingnan napaka professional nya talaga ..
"Hospital ?? " Tita Flor
"Opo Tita , sinasamahan nya kasi si Shara ngayun " sabi ko
Binalik nya yung tingin nya sa mga wall , nakatingin lang ako sa kanya ..
BINABASA MO ANG
WTF (Wala Talagang Forever) - (Complete)
RomantikHindi ako naniniwala na may forever dahil kung meron hindi sana ako iniwan ng mga taong mahal , kaya nga hindi na ko mag mamahal ulit dahil ayuko ng masaktan kasi nga Wala Talagang Forever.