Chapter 22 : Special Date

278 14 2
                                    

Valentines day ?? Anu bang meron kapag valentines day , hindi ko kasi alam kung anung meron dyan, hindi ko pa kasi nararanasan na mag date kapag valentines day , alam ko especial ang araw na yan para sa mga taong nag mamahal ng totoo ..

Another meaning for valentines day , yan lang naman ang araw ng mga bitter , ng mga taong walang lovelife ewan ko ba kung bakit galit na galit sila sa Valentine's , kasalanan ba nila kung bakit wala kang lovelife tssss kalukuhan , May nabasa pa nga ako sa Facebook sabi nung bitter na nag post sa status nya ... Sana 15 na agad dapat daw wala ng Feb 14 tssss anung pag iinarte yan teh kahit tumalon ka dyan wala sayung papansin dahil forever bitter ka ..isa lang ang masasabi ko sa inyu Wala Akong Pake ...

Hindi ko alam pero ang tagal na pala namin ni Wharton Hindi ko nga alam kung bakit ako nakatagal sa kanya , ganun naman daw talaga pag mahal mo ang isang tao , lahat gagawin mo kahit sya pa yung pinakamasamang tao sa mundo kung mahal mo talaga magiging pinakamabuti sya sa lahat .. Naaalala ko pa nga dati nag umpisa lang kami bilang fake lovers hanggang sa lumalim , hanggang sa mahulog ako at sinalo nya ko , nakakakilig kahit na minsan nakaka inis syang kasama pero ganun talaga , ganun talaga pag alam mong importante sya sayu , lahat ay tama kahit sa paningin ng iba ay mali , masaya ako dahil kahit paano ang laki na ng pinagbagu ni wharton , minsan hinahayaan ko na lang sya na sinisigawan ako kasi alam nyu naman diba , alam nyu naman si wharton diba ?? Masyadong bipolar ...

Nasa may pool ako nag didilig ako ng mga halaman, good mood ako ngayun kasi naman akala ko talaga kung hindi na kami mag kakabati ni Wharton , mamaya na din pala yung play dahil valentines ngayun , after nito kailangan ko ng mag prepare para sa play , nag iisip ako kung anu anu sana maging maayus yung play mamaya excited na ko , kailangan walang sisira ng araw ko ngayun kailangan good vibes lang hanggang mag gabi ...

Nagdidilig pa din ako ng mga halaman , nag iisip ng mga kung anu anu para akong tanga sa pinag gagawa ko ..

"Charlene

"Ay kabayu !!! " muntik na kong hindi maka balance buti na lang nasalo nya ko , sinalo nya ko dahil kung hindi babagsak ako sa pool buti na lang talaga , nakahawak sya sa kin , hindi ko magawang tumingin. Hindi ako makagalaw ng maayus alam mo yun gusto kong kiligin pero hindi ko alam kung paano alam nyu naman si Wharton , ganun pa din yung ayus namin , nakahawak pa din sya , tumingin ako sa kanya , yung mukha nya mukhang ang hirap i explain ..

"So-sorry ... Sarry ... " sabi ko na parang ewan

Binitawan nya ko , umayos ako sa pagkakayayu kasi naman medyu napatagal ang moment na yun ..

"Mag bihis ka , sumabay kana sa kin " Wharton

"Huh ??? Bakit ?? " umiba bigla yung tingin nya , oo nga pala ayaw nya yung inuulit yung sinasabi nya .." ah. ... Oo na " sabi ko

Pumasok na ko sa loob ,iniwan ko sya sa may pool , mamaya pa naman ako pupunta ng school tapos ngayun isasabay nya pa ko, Anu kayang naisip nya at gusto nya kung kasabay , hindi kaya yayayain nya kong mag date ?? Tsss sana nga eh kaso Hindi eh , hindi nya man lang ako binati ng happy valentines tssss akala ko pa naman sya yung unang tao na babati sa kin..

Kasi naman eh , gusto ko sana syang tanungin pero natatakot ako kasi naman yung itsura nya ang hirap na naman i explain, Valentine's na valentines bad mood ang lokong yun , gusto ko pa sana mag kwento ng kung anu anu sa kanya about Valentines kaso wala eh hindi ko alam kung paano ako mag uumpisa na kausapin sya , alam nyu naman ayuko na ng gulo kaya nga hindi na ko sumasagot kapag bad mood sya .

Nasa loob na kami ng sasakyan nasa likod ako Ewan ko ba ganun talaga sya pag may toyo ayaw nya kung katabi , hanggang ngayun hindi nya pa din ako binabati ..

"Wala ka bang natatandaan ngayun ?? " sabi ko

"Bakit birthday mo ?? " Wharton

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya kasi naman birthday ko daw ngayun ..

WTF (Wala Talagang Forever) - (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon