Paano ko ba sasabihin at ipapaliwanag kung gaano ako natuwa sa nakita ko , akala ko kasi masungit sya , yun pala nag kamali ako , yun pala hindi naman pala sya gaya ng iniisip ko
, yun pala mabait naman sya , sana lagi syang ganito , laging walang tupak sa ulo ..
Kung dati pag nakikita ko sya naiinis ako pero bakit ngayun masaya ako pag nakikita ko sya , kahit na nasisigawan nya ko dahil sa kasungitan nya , minsan iniisip ganun na talaga , tatlong buwan lang naman kami kaya pag tatyagaan ko na lang , after all mag hihiwalay din kami , kaya nga ayukong mahulog dahil wala syang balak na saluhin ako ...
Bumaba na sya ng sasakyan habang ako kinakabahan , para akong tanga sa ginagawa ko , pinapatunog ko yung mga daliri ko , hindi kasi ako maka pag relax ng maayus , pinag buksan nya ko ng pinto, ngayun lang nya ginawa to , nakatingin sya sa kin, bumaba na ko ng sasakyan ...
"Let's go " Wharton
Iniwas ko yung tingin ko sa kanya. Nag lalakad na kami , papasok ng venue , kinakabahan ako , bigla nya na lang hinawakan ang kamay ko , bumitaw ako sa pag kakahawak nya, pero hinawakan nya lang ulit , ang lambot ng mga kamay nya , ramdam na ramdam ko ang init ng kamay nya , feeling ko tuloy ang init ng mukha ko , Hindi ko maigalaw ang kamay ko , nahihiya ako ..
"Your blushing " Wharton
"Huh ??? Hindi ah " sabi ko
Yumuko ako dahil ramdam ko na nakatingin sya sa kin, kasi naman eh , alam ko naman na maganda ako tssss tumigil kami sa pag lakad , tumingin ako sa kanya , Hindi ko alam kung anung gagawin nya , hinawakan nya yung mukha ko , yun pala tinanggal nya lang yung nerd glass ko ..
"Mas bagay sayu pag wala ito " Wharton
Nakatingin sya sa may nerd glass , bakit ganun ?? Bakit ang gentleman nya ngayun , kailangan kong kapalan ang mukha ko, kailangan hindi ako kabahan , ayuko mapahiya sya at masira ang gabi nya , kasi naman ipapakilala nya lang naman ako sa mga cousin niya , Tama kailangan mag mukha akong professional gaya ng sabi sa kin ni Lorna ...
Papunta ako ng Comfort Room , syempre alam nyu naman tayung mga girls gusto natin laging mukhang fresh , you know , syempre gusto ko ding makilala yung mga cousin nya , kaya nga pinaghandaan nya to eh ..
Nasa loob ako ng CR nag aayus ng mukha, ako lang naman ang tao dito kaya medyu nakaka pag concentrate ako sa pag aayus ..
"Look who's here " lumingon ako sa nag salita ... Mukha syang familiar , san ko ba sya nakita " what are you doing here ?? " sabi nung babaeng pumasok sa loob
"Do I know you ?? " sabi ko
To be honest hindi ko sya kilala , wag naman syang feeling close
"Wow ha , ang kapal naman ng mukha mo para pumunta sa birthday party " yung babae
"I'm sure , she's not invited , hindi nga natin kilala yan eh " sabi nung kasama nya..
Ngumiti sila at inirapan ako , sana lang mahanginan yang mga mata nyu .. Tssss ang gaganda nyu pa naman ang sama sama naman ng ugali nyu ..
Lumabas na lang ako dahil unang una wala akong plano na makipag away sa kanila , saka sino ba naman ako , guest lang naman ako , sana kasi hindi na lang nya ko sinama.. Habang naglapakad ako iniisip ko pa din yung babaeng yun , san ko ba sya nakita ?? Para akong tanga sa kakaisip kung sino yun , Tama sya nga yung babaeng muntik na kong banggain , anung ginagawa nya dito ?? Hindi kaya , sya yung cousin na sinasabi ni Wharton ?? Oh My Gosh ...
Papunta na ko sa kinatatayuan ni Wharton may kausap syang isang lalake , hindi ko makita yung mukha nung kausap nya kasi nakatalikod sya , papalapit na ko palapit sa kanila, kinakabahan ako kasi naman ipapakilala nya ko .. Ipapakilala nya ko bilang girlfriend ko ..
BINABASA MO ANG
WTF (Wala Talagang Forever) - (Complete)
RomanceHindi ako naniniwala na may forever dahil kung meron hindi sana ako iniwan ng mga taong mahal , kaya nga hindi na ko mag mamahal ulit dahil ayuko ng masaktan kasi nga Wala Talagang Forever.