Chapter 23 : Valentines Play

256 14 0
                                    

Hindi pa rin ako maka move on sa nangyare kanina kasi naman hindi ko naman kasi alam na may inihanda pala sya para sa kin , alam mo yung feeling na kinikilig ganun na ganun pa din yung ambiance ko ngayun , feeling ko nga kilala na ko sa buong Campus siguro ito yung isang bagay na hindi ko makalalimutan na kasama sya , hindi nyu lang alam kung gaano ako napasaya ni Wharton sa ginawa nya , buo na ang valentines ko , akala ko pa naman na wala syang plano para sa araw na to pero hindi pala , nag kamali ako nagkamali dahil ganito pala engrande yung ginawa nya .. Ako lang naman siguro ang huling nakaalam para sa plano nya ..

Haysss akala ko nga tumigil yung pag takbo ng mga oras na yun , sana tumigil na lang para alam mo yun , ang saya saya ko dahil sa ginawa nya.. Alam mo yun , akala ko galit sya sa kin kasi iniiwasan nya ko yun pala may plano sya para sa araw na to. , nakakatouch yunh ginawa nya ...

After nung nangyare kanina sa plaza tumuloy na ko para sa ayusin ang sarili ko dahil unang una ilang oras na lang at mag uunpisa ng yung program .. Andito kami ngayun sa may make up kasama ko si Insan nag aayus kami , kasi naman ngayun na pala yung play namin , sana maging successful yung play at sana matapos ng maayus yung program namin ..

"Ui couz , goodluck mamaya ha " Sandra

Tumingin sya sa kin, masyado na syang maganda para mag lagay la ng kung anu anu sa mukha nya..

Tumingin ako sa kanya , nakangiti lang sya habang nakatingin sa salamin ...

"Kinakabahan na ko couz eh , kasi naman eh , ilang oras na lang mag uumpisa na yung play " sabi ko

Sinuklay nya yung buhok nya bagay sa kanya yung suot nya ngayun naka gown lang naman ang bruha tinalo pa ako , ako kasi mamaya pa ko mag papalit after ng play kasi naman eh. Yung suot ko ngayun naka cocktail dress ako simple pero magandang tingnan ..

"Anu ka ba insan , wag kang kabahan , alam ko kaya mo yan " Sandra

"Sana nga " bumuntong hininga ako " sana lang talaga maging maayus ang lahat " sabi ko

Kasi naman ako lang naman ang usap usap ng lahat dito sa buong campos dahil sa pasabog ni Wharton. Anu na lang kaya ang sasabihin ng press sana lang talaga walang mga reporter na pumunta sa school ngayun kasi naman diba ako lang naman ang nag iisang maganda sa campus na to Hehe .. Syempre joke lang kayu naman hindi nyu na ko mapagbigyan ..

Oo nga pala, asan kaya si Wharton ngayun bawal kasi syang pumunta dito sa area namin , gusto ko lang naman na makita sya kasi naman hanggang ngayun kinikilig pa din ako sa surprise nya ... Kinakabahan nga ako kasi may kissing scene kami ni ken sa play , Anu na lang kaya ang sasabihin ng mga fans nya , paano kung kumalat ang picture na nakikipag halikan ako sa ibang lalake at ang lalake na yun sya lang naman ang ex boyfriend ko , Anu na lang ang iisipin nila , ayuko ng maulit yung nangyare dati na naging dahilan kung bakit ako nandito ngayun tssss... Pero aaminin ko sa inyu natutuwa ako pag naaalala ko yung mga moment namin na lagi nya akong sinisigawan ,namimiss ko yun ...

Hindi pa rin kami tapos sa pag mi make up ilang oras na lang mag uumpisa na yung program ..

"Couz , CR lang ako " sabi ko

"Sige Couz" Sandra

Umalis na ko ng make up room at naiwan ko sya sa loob , habang nag lalakad ako iniisip ko pa din yung mga nangyare ngayun , medyu okay naman yung suot ko, unti unti ng nag sisipag datingan yung ibang mga estudyante kasi naman once a year lang naman kasi mag karoon ng mga ganito ..

Nasa loob na ko ng CR , iniisip ko pa din na sana maging okay ang lahat, tinitingnan kung mabuti yung sarili ko kung okay lang ako pa naman ang leading lady sa lintik na play na yan , kaya goodluck talaga sa kin ...

WTF (Wala Talagang Forever) - (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon