Gusto kita ??? Ang hirap paniwalaan ng salitang yan , hindi mo alam kung totoo ba o hindi , mahirap isipin pero dun ka naman liligaya , paano kung yung crush mo sinabihan kang gusto ka nya ?? Diba mahirap sagutin , mahirap sagutin dahil natatakot tayu kung totoo ba o hindi ..
Si Wharton mag kakagusto sa kin ??? Edi wow , malabong mangyare yun , gusto ko syang matulungan pero ang magustuhan nya ko yun ang Hindi ko kaya , hindi ko kaya dahil natatakot ako , natatakot ako sa mga posibleng mangyare .. Bahala na , bahala na kung hanggang saan ang kaya kung mag panggap para sa ming dalawa ..
Hindi ko pa rin nasasabi yung tungkol kay sky , ngayung gabi ang birthday nya , hindi ko alam kung paano ako makakapunta , pabalik balik ako , hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko , natatakot ako , natatakot akong sabihin sa kanya na aalis ako , ayukong mag alala na naman sya sa kin , ayukong magalit na naman sya , ayukong makadagdag sa mga problema nya ..
Hindi ko namalayan na nag lalakad na pala ako papuntang pool , naaalala ko pa yung unang beses na tumambay ako dito na nahulog ako sa pool , pag naiisip ko yun , hindi ko maiwasang ngumiti , sana kagaya ko na lang si Wharton at least hindi sya nahihirapan ng ganito ...
Naririnig ko yung boses nya , kumakanta ba sya ?? Naririnig ko kasi yung tunog ng gitara , nakatingin lang ako sa kanya , grabe ang ganda ng boses nya , nakaka inlove naman , tumigil sya sa pagkanta , kinakabahan ako , alam nya ba na andito ako ???
"Anung ginagawa mo dito ?? " Wharton
"Anu kasi ... Wharton , ah --- " naputol yung sasabihin ko
"Mag bihis ka , aalis tayu " Wharton
"Huh ??? " tumingin sya sa kin , alam mo yung tingin na parang kakainin ka " sige " sabi ko
Nag lakad na ko papasok , iniisip ko kung paano ako makakapunta sa birthday ni Sky , panigurado magtatampo yun sa kin, magagalit yun pag hindi ako pumunta , kasi naman si Wharton eh , Ewan ko kung san kami pupunta , kailangan yung pinaka panget na damit ang suutin ko , kailangan hindi matuloy ang lakad namin , kailangan ma cancel dahil may lakad din ako , bumaba na ko ng stair , naka upo sya sa may sofa , nahihiya ako , nakayuko lang ako habang nag lalakad palapit sa kanya , hindi ako makatingin dahil sa itsura ko , bahala na kung mukha akong clown , sinadya ko talaga na ganito ang itsura ko para nga hindi matuloy ang lakad namin, dahil ayukong sumama sa kanya ...
Tumingin ako sa kanya , nakatingin pala sya sa kin
"Tsssss " Wharton
"Tara na " sabi ko
Pero deep inside ayuko , bat ba kasi kailangan nya pang umalis kasama ako , pwede naman sya na lang , nakatingin pa rin sya sa kin , yumuko ako , nahihiya ako sa kanya .. Nahihiya akong tumingin sa kanya ..
"Dika ba tumingin sa salamin ??? " tumingin ako sa kanya " you look like witch , mukha kang clown " Wharton
"San ba tayu pupunta at kailangan mag ayus pa ko tsss " sabi ko
Kasi naman eh , kailangan ba talagang isama nya ko ?? Anu naman gagawin ko dun ?? Diba sya nag iisip na boring akong kasama ...
"Bakit ayaw mo ?? " Wharton
"Huh ??? " sabi ko
"I said , bakit ayaw mo kong kasama !!! " Wharton
Nagulat ako bigla bigla na lang kasi syang nasigaw ..
"Wa-wala naman akong sinabi ah , may sinabi ba ako??? Wala diba ?? " sabi ko
Nakakatakot talaga sya , ang hirap talaga nyang intindihin feeling ko taga ibang planeta ata sya , minsan maayus naman syang kausap , minsan ang sungit sungit nya , haysss ang hirap talaga nyang intindihin...
BINABASA MO ANG
WTF (Wala Talagang Forever) - (Complete)
Lãng mạnHindi ako naniniwala na may forever dahil kung meron hindi sana ako iniwan ng mga taong mahal , kaya nga hindi na ko mag mamahal ulit dahil ayuko ng masaktan kasi nga Wala Talagang Forever.