Kung anu pa yung iniiwasan natin yun pa yung nangyayare , mahirap kasi wala kang magagawa kung hindi tanggapin ang lahat , tanggapin na yun talaga ang mangyayare .. Kaya nga ako kahit pilit kung nilalayuan tadhana parin talaga ang gumagawa ng paraan para mag cross ang landas namin kahit ilang beses ko man syang iwasan wala pa rin akong magagawa lalo na ngayun sa iisang school na lang kami pumapasok kaya hindi malabo na mag kaharap kami , kami ng ex boyfriend ko na nang iwan sa kin. Bakit ko ba inaalala ang mga bagay na yan , masaya na ko at isa pa naka move on na ko , masaya na ko masaya kasama ang taong mahal ako at hindi ako iiwan ...
Malapit na pala yung play bakit ba kasi ako ang napili sa lintik na play na yan tsssss kasi naman eh kailangan ko tuloy umatend ng party na yan , kailangan kung mag saulo ng mga lines dahil sa play na yan kung pwede nga lang na hindi kunin yung role ginawa ko na pero hindi eh, hindi pwede dahil kailangan kung bumawi dahil bagsak ang mga grades ko ...
Nasa loob ako ng sasakyan , first time na hinatid ako ni wharton , first time na sinabay nya ko sa pag pasok alam nyu naman may pag ka bipolar ang isang yun , masaya ako dahil kahit paano medyu okay na sya bumalik na yung dati nyang katawan , naging nurse nya lang naman ako for three days at sa three days na yun madami akong natutunan , mga bagay na tinatanung ko sa sarili ko ...
Pa minsan minsan tumitingin ako sa kanya ng hindi nya alam , sya kasi ang nag da drive kaya alam nyu na , iniiwas ko yung tingin ko sa kanya pag tumitingin sa salamin, Hindi ako mapakali kasi naman ito ang unang beses na sinabay nya ko sa pag pasok dati kasi iniiwan nya na lang ako sa labas ng gate , buti na lang talaga wala syang toyo ngayun ...
"Are you okay?? Kanina mo pa ako tinitingnan " Wharton
"Ah ---- huh ??? " iniwas ko yung tingin ko sa kanya " hindi ah " sabi ko
Pati ba naman yun napapansin nya tssss hindi tuloy ako makatingin sa kanya ng deretsu
"Thanks nga pala sa pag alaga mo sa kin " Wharton
"Okay lang yun , para san pa at naging girlfriend mo pa ako " nakatingin ako sa kanya , problema nya ??? Hindi ba sya sanay na sinasabi ang word na girlfriend ??? Nakakunot kasi ang mukha nya " ay sorry " sabi ko
Ngumiti lang sya " alam mo ba ?? " Wharton
"Hindi pa " sabi ko
"Tssss wag na nga " Wharton
Joke lang naman yun eh , masyado naman syang sensitive feeling ko tuloy kasalanan ko pa
"Sige na , sabihin mo na " sabi ko
Nakatingin ako sa kanya pinipilit ko syang mag salita kasi naman eh hindi pala sya sanay na binibiro haysss
"Wag na ayuko na " Wharton
Hindi sya tumingin sa kin , deretsu lang ang tingin nya hindi nya ko pinansin feeling ko talaga kasalanan ko , buti na lang hindi sya sumigaw sa kin kasi alam nyu naman si Wharton may pag ka mainitin ang ulo ...
Tumahimik na lang ako , kasi naman kasalanan ko naman eh , malay ko ba na hindi sya sanay sa mga jokes , pa minsan minsan tumitingin ako sa kanya pero iniiwas ko din yung tingin ko dahil feeling ko ramdam nya na nakatingin ako sa kanya , nahihiya ako kay Wharton kasi kasalanan ko naman talaga kung bakit ang tahimik nya , ang awkward ng sitwasyun sa loob , hindi ako makapag salita dahil unang una hindi nya naman ako kinikibo ..
"You know what " tumingin ako sa kanya " May nagsabi na ba sayu kung gaano ka kaganda ?? " Wharton
Hindi ko alam kung anung gagawin ko at isasagot ko kasi naman hindi naman talaga ako kagandahan magaling lang talaga silang mag make up kaya nag mumukha akong tao sa paningin ng iba, huminto yung sasakyan , tumingin sya sa kin hindi ako makagalaw anu bang ginagawa nya, nanginginig ako feeling ko matutunaw ako sa mga tingin nya , naiilang ako sa kanya , naiilang ako sa mukha nya , ang gwapo nya talaga , bumilis yung tibok ng puso ko nakatingin pa din sya sa kin palapit ng palapit ang mukha nya sa mukha ko hindi ko maigalaw ang sarili ko
BINABASA MO ANG
WTF (Wala Talagang Forever) - (Complete)
RomanceHindi ako naniniwala na may forever dahil kung meron hindi sana ako iniwan ng mga taong mahal , kaya nga hindi na ko mag mamahal ulit dahil ayuko ng masaktan kasi nga Wala Talagang Forever.