"wag mong pakawalan yung mga taong nagpapangiti sayo kasi masakit makita na yung dating nagpapangiti sayo iba na ang pinapasaya ngayon"
Tama naman diba ?? Masakit makita na yung dating nag papangiti sayu iba na ang dahilan kung bakit sya masaya , ganun naman kasi dapat masakit pero yun ang dapat , minsan nagiging mahina tayung tanggapin kung anu ang Tama at mali , dahil ang alam lang natin nag mamahal lang tayu kahit sa mata ng iba ay napakalaking mali ..
Ayukong dumating yung time na yun at hindi ko iniisip na mangyayare yun , masaya na ko kaya okay na ko sa kung anung meron ako , sana lang talaga hindi matapos sa ganito ang story namin , akalain mo yun ang tagal na pala namin , ni minsan Hindi ko inakala na mag tatagal kami ng ganito. Masaya ako na nakilala ko si wharton ..
Ang inaantay ng lahat ngayung gabi ang concert ni Wharton , for the first time makikita ko syang mag perform hindi ko muna iisipin kung paano ko sasabihin yung sa mom nya , gusto ko maging maganda ang kalabasan ng concert nya ..
Nasa may sala ako ngayun , maaga ako gumising kasi naman mas excited pa ata ako sa mag coconcert , nanunuod ako ng News
"Good morning Philippines , Ngayung gabi ang pinaka aantay ng lahat , ang the much awaited concert ng taon, dagsa na ang mga fans ni Wharton Ledesma " Reporter
Grabe naman ang aga aga ang dami na agad pumunta ganun ba sila ka excited ?? Hindi ako makapaniwala ang dami talaga nyang fans kahit ang totoo super duper ang sungit , nakaupo lang ako sa may sala habang hindi ko alam kung anung gagawin ko .. Nakangiti lang ako habang pinapanuod ko yung news sa TV grabe ang gwapo nya talaga ..
"Aray " may bigla kasing bumato sa kin , lumingon ako " Wharton ?? " sabi ko
Nakatingin sya sa kin , hindi ko alam kung titingin ba ko sa kanya at isa pa binato nya lang naman ako ng hindi ko alam
"Anung nginingiti mo dyan ?? " Wharton
"Wala , masama na bang ngumiti ?? " sabi ko
Umiba bigla ang expression nya kaya ngumiti ako ayukong masira ang araw nya ng dahil sa kin ..
"Isuot mo yan " nakatingin sya dun sa binato nya kanina " mauna ka ng pumunta sa concert , may dadaanan pa ko " Wharton
Hindi ko alam kung anung sasabihin ko kasi naman eh. Kung makatingin sya sa kin wagas feeling ko matutunaw ako ..
"Wharton " tumingin sya sa kin " goodluck " sabi ko
"Tsssss " Wharton
Umiling lang sya haysss grabe talaga ang kasungitan nya , lumabas na sya ng sala at naiwan ako , kinuha ko yung bagay na binato nya sa kin , at ...
"Ang ganda " sabi ko
Ang ganda ng dress feeling ko ako na naman ang pinakamaganda sa lahat syempre ganun talaga kaw ba naman maging girlfriend ng isang Wharton Ledesma kung hindi ka kainggitan ng lahat sorry to say Wala akong pake sa inyu Hehe syempre joke lang yun ..
Nauna ng umalis si Wharton habang ako susunod pa lang alam nyu naman hindi to basta bastang concert , big concert ito as in malaking concert lang .. Iniisip ko kung anung mangyayare sa concert kasi naman ang hirap kaya ako pa naman ang number fan ni Wharton kaya dapat hindi ako pwedeng mawala ..
Nasa loob na kami ng sasakyan , nakasakay kasi kami sa private car kasama ko yung assistant ni Wharton , si Lorna , ganun pa din yung itsura nya kasi alam nyu naman hindi ako sinasama ni Wharton sa mga rehearsals nya kaya hindi ko sya nakikita .
"Alam mo Ms. Charlene " nakatingin sya sa kin " ang laki na ng pinagbagu ni Wharton mula nung makilala ka " Lorna
Hindi ko alam kung anung sasabihin ko kasi iniisip ko kung anung nagbagu kay wharton wala kasi akong matandaan eh
BINABASA MO ANG
WTF (Wala Talagang Forever) - (Complete)
RomanceHindi ako naniniwala na may forever dahil kung meron hindi sana ako iniwan ng mga taong mahal , kaya nga hindi na ko mag mamahal ulit dahil ayuko ng masaktan kasi nga Wala Talagang Forever.