Trust ??? Ang pinaka imporante sa lahat , ang pinaka importante sa pag sasama ng dalawang taong nag mamahal , tiwala ang isang bagay na mahirap ibalik pag nasira ang tiwala sa isang tao , minsan talaga kaya tumatagal ang isang relasyun dahil alam nila kung ang tama at hindi Tama , minsan nga kahit nakikita mo ng mali ang ginagawa still nagtitiwala ka pa din dahil alam mong nag titiwala ka , kahit minsan nakakasakal na at hindi na Tama ganun talaga dapat tiwala lang magiging okay din ang lahat ...
Sa relasyun dapat alam mo yung isat isa yung bang wala kayung nililihim sa isat isa , dahil sa oras na mag hinala tuloy tuloy na yan hanggang sa tuluyan na kayung mag hiwalay , sabi nga walang lihim na hindi nabubunyag kaya nga hanggat maaga iwasan na kung anu mang kalukuhan ... Dahil pag ang trust nasira panigurado sa mercury drug mo na lang makikita ang word na trust ...
Hindi ko inakala na magiging okay kaming dalawa ni Wharton , yung bang gusto mo ng sumuko pero hindi mo pala kaya , yun kasi yung mga taong hanggang salita lang and I admit isa ako dun , Hindi ko pa rin makalimutan yung yakap at halik sa gitna ng ulan feeling ko nga napanuod ko na yung ganung eksena, kailangan lang talaga na mag karoon ako ng tiwala sa kanya na kahit anung mangyare hindi nya ko iiwan , na kahit wala ako sa tabi nya ako pa din ang iisipin nya ..
Sabi nga nya sa kin , mag tiwala lang ako sa kanya , kaya yun ang gagawin ko, gagawin ko dahil yun ang dapat , wala naman kasing nag tatagal na relasyun kung parehas kayung walang tiwala sa isat isa at yun ang isang bagay na ayukong mangyare sa min ... Hindi ako papayag na masira lang yun ng dahil sa kung sino sino , andito pa kasi sa bahay si Shara kahit minsan ang sarap nyang hampasin ng sapatos dahil sa ginagawa nya ...
Nag bibihis ako ngayun niyaya nya kasi akong lumabas ngayun feeling ko tuloy ang ganda ganda ko sana lang talaga walang epal na sumira ng lakad namin , gusto ko syang masolo ngayun, gusto Kong makabawi sa kanya sa lahat ng mga nagawa ko ... Tumingin ako sa salamin , bagay sa kin ang suot ko , naka cocktail dress ako with matching sa lips ko Hehe naka pony yung hair ko simple lang pero magandang tingnan , napapangiti na lang ako sa salamin alam mo yung feeling ng kinikilig ganun na ganun yung nangyayare sa kin , kasi naman eh ito lang naman kasi ang unang formal date namin...
"Ayieh " sabi ko
Nakaharap lang ako sa salamin para akong tanga sa ginagawa ko minsan ngingiti sa salamin tapos mag popost na lang bigla..
Tok tok
Nagulat ako bigla na lang kasi may kumatok , nakatingin ako sa may pinto ng kwarto buti na lang talaga naka lock yung pinto
"Sino yan ?? " sabi ko
"Matagal ka pa ba ? " Wharton
Gosh ! Biglang tumibok ang puso ko , alam mo yun bigla na lang ako na excite sa sarili ko kasi naman eh ..
"Ito na ..palabas na " sabi ko
Tumingin ako sa salamin para i double check yung sarili ko napapangiti na lang ako kasi naman eh , kinuha ko yung bag sa may kama at nag umpisa na kong mag lakad palabas ng room ko , habang nag lalakad ako kinakabahan ako bigla alam mo yun feeling ko talaga today is my day ..
Nakahawak na ko sa may pinto , kinakabahan ako
Inhale ... Exhale
Inhale .. Exhale
Para akong tanga haysss bahala na nga , binuksan ko yung pinto at nagulat ako sa nakita ko , napanganga ako ...
OMG ang gwapo nyang tingnan ang gwapo nya sa suot nya , his wearing v-neck white and a black short bagay sa kanya nakatingin lang ako sa kanya , anu ba yan nakakatulala naman kasi ...
"Are you okay ?? " Wharton
'Yah .. " iniwas ko yung tingin ko " yah , I'm okay Hehe " sabi ko
Kasi naman eh , kailangan talagang lumabas kami ?? Okay naman na lagi kaming mag kasama sa bahay kailangan talaga ilalabas nya ko ?? Tsssss nakakababa na kami hindi pa din ako makatingin ng deretsu sa kanya , nasa may sala kami ..
BINABASA MO ANG
WTF (Wala Talagang Forever) - (Complete)
RomanceHindi ako naniniwala na may forever dahil kung meron hindi sana ako iniwan ng mga taong mahal , kaya nga hindi na ko mag mamahal ulit dahil ayuko ng masaktan kasi nga Wala Talagang Forever.