[2] THE ASSIGNMENT

799K 15.8K 4.5K
                                    

                                                 ******

Manila Police District Headquarters.

Pinarada ni Alex ang motorsiklo sa tapat ng isang gusaling may limang palapag. Nakakunot ang noong pumasok siya sa loob ng building.

“Inspector Valdemor, bakit nakabusangot na naman yang mukha mo?” puna ng isang kasamahang nakaupo sa bukana ng opisina.

 “Wala may mga batang sumira lang ng araw ko! Nasaan si Chief? ” aniya.

 “Nasa second floor kanina ka pa nga hinahanap eh.”

Miyembro siya ng intelligence unit ng Special Action Force, isa sa mga sangay ng Philippine National Police. Tatlong taon na siya sa pulisya at kasalukuyang isang Inspector. Nakapagtapos siya sa Philippine National Police Academy. Hindi siya gaanong katalinuhan subalit nagpursigi siya para makapasok sa nasabing pinakamataas na antas ng kolehiyo para sa mga magpupulis.

Ang maging isang pulis ang kaisa-isang naging pangarap niya simula pagkabata. Idolo niya ang kanyang lolo at inspirasyon niya lahat ng mga kabayanihang nagawa nito. Bata pa lamang siya’y alam niya nang nagmana siya sa kanyang lolo. Galit siya sa mga gumagawa ng krimen at malambot ang kanyang puso sa mga naagrabyado.

Sa tulong ng pera at koneksiyon ang kanyang pamilya, nasunod ang mga luho niya na makapagtraining sa iba’t ibang bansa. Subalit isa lamang ito sa mga nakakapagpaganda ng records niya. Hindi rin naman maikakailang isa siyang magaling at matapang na pulis. Walang sinusukuang aksyon at walang inaatrasang laban. Ang kanyang determinasyon sa trabaho ang madalas na dahilan kung bakit pinagkakatiwalaan siya ng mga nakatataas na opisyal sa mga mahahalagang misyon. Kahit anong hirap at sakripisyo ay kaya niyang gawin alang-alang sa pinakamamahal na trabaho.

 Umakyat siya sa ikalawang palapag.

 “Inspector Valdemor!”

Nilingon niya ang pinagmulan ng boses. Nakita niya itong nakasilip sa pinto ng meeting room at magkasalubong ang kilay na nakatingin sa kanya.

 “Chief Martinez! Good morning!” nakangiting bati niya dito sabay saludo.

Sinenyasan siya nitong pumasok sa loob ng silid. Nagmadali naman siyang sumunod. Pagkarating sa silid ay nagpalinga-linga muna siya sa paligid bago maupo. Silang dalawa lamang ang naroroon kkung kaya’t kutob niya nang confidential ang kanilang pag-uusapan.

“Bakit ngayon ka lang Alexandra?! Kanina pa ako naghihintay sayo. Ang usapan nati’y dapat alas-nuwebe’y nandidito ka na. Isang oras mo akong pinaghintay!” singil agad ng hepe sa kanya.

 “Pasensiya na ninong napa-trouble ako,” napapakamot sa batok na sagot niya.

 “Heh! Wag mo akong matawag-tawag na ninong nasa trabaho tayo!”

 “Huwag niyo rin akong tawaging Alexandra…” pabulong na sambit niya.

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon