****
Magkasunod na naglalakad papalapit ng hapag kainan sina Don Henry at Blake. Parehong bihis na bihis. Ang apo ay patungong klase at ang lolo naman ay papunta ng opisina. Sinalubong sila ng matamis na ngiti ni Alex na noo’y nakatayo sa tabi ng mesa at nakasuot pa ng apron.
Pagkalapit na pagkalapit ng maglolo ay sabay ang mga itong napatitig sa mga nakahaing pagkain. Sabay na nanlaki ang mga mata at napapalunok, parehong di makapagsalita. Papalit-palit ang mga ito ng tingin sa nakangiting dalaga at sa pagkain.
Sunog na omelette. Sunog na hotdog. Tutong na bacon. Nangingitim na ham. Sunog na fried rice.
“Pasensiya na kayo Don Henry pag napapaharap po ako sa kalan medyo nagkakadiperensiya ho ang mga mata ko. Na-cocolor blind ako. Hindi ko po napapansin na nangingitim na pala ang mga niluluto ko,” malambing na depensa ni Alex bago pa man may marinig na di kaaya-ayang mga komento.
“Maya gusto mo ba kaming magkaroon ng colon cancer?!”singhal ni Blake.
“Huwag ka ngang mareklamo dyan Blake para namang hindi ka pa sanay sa luto ko. Sabayan mo na lang ng tubig kung nahihirapan kang lunukin!” ingus ng babae.
“Lolo I warned you not to trust that woman! How could you request her to cook the entire food?”
Seryosong tiningnan ni Don Henry ang apo. “Blake paano mo nagagawang pagsalitaan ng ganyan si Maya? Hindi mo man lang ba naiisip na pinaghirapan niyang lutuin ang mga pagkain na to? Halika na’t maupo. Huwag ka ng magreklamo kumain na lamang tayo dahil marami pa akong dapat asikasuhin.”
Napanganga si Blake sa reaksiyon ng lolong madalang pa sa patak ng ulan kung kontrahin siya. “Whoah! Am I getting it right Lo? Are you trying to take the side of that girl over me now?”
“Wala akong kinakampihan. Walang kasalanan si Maya dahil ako ang nag-utos na ipagluto niya tayo kaya umupo ka na lang diyan.”
“Huwag kayong mag-alala Don Henry ganyan lang ang hitsura ng mga pagkain pero ginawa ko yan ng punung-puno ng pagmamahal,” nakangiting sabi ni Alex sabay pasimpleng dumila sa nakasimangot na lalaki.
“Ganito ba ang hitsura ng pagmamahal mo? Wow it looks scary!” komento ni Blake.
“Tama na yan Blake. Halika na iha sumabay ka na sa amin at may pasok ka rin.”
“Yeah, join us in our agony eating your food.”
Hinubad ni Alex ang apron at nakangiting naupo sa mesa. Natutuwang pinanood niya ang mga kasama sa hapag kainan habang kumakain ang mga ito. Napansin ni Blake ang reaksiyon niya.
“What? Why are you staring us with that happy face? Natutuwa ka bang tingnan na nahihirapan kaming lunukin ang mga pagkain na to?”
Umiling si Alex. “Wala. Naalala ko lang ang pamilya ko.”
BINABASA MO ANG
Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)
RomanceBlake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl could dream of. He's the man every lady wishes to date. And he is the husband every woman aspires to marry. He's handsome, intelligent, coo...