[20] KISSPIRIN

559K 13.8K 3.8K
                                    

                                ****

Nakahanda na si Alex pumasok. Kanina pa siya naghihintay na katukin ni Blake. Bigla siyang nagtaka nang napagtantong simula pagkagising di niya pa nakikita ang lalaki. Hindi na siya nakatiis kaya pinuntahan niya ito sa kuwarto at kinatok. Mahuhuli na sila sa unang klase kapag hindi pa sila umalis.

“Blake, hindi pa ba tayo aalis? Malilate na tayo!” tawag niya.

Halos nanakit muna ang kamay niya sa pagkatok bago siya pinagbuksan ni Blake. Bumungad sa kanya ang bagong gising lamang na lalaki. Hindi pa ito nakabihis. Matamlay at namumutla ang mukha.

“I’m not going to school today. Just go by yourself," namamaos at walang ganang sabi nito.

Kinuha ng lalaki ang susi ng sasakyan at ibinigay sa kanya. “You can use my car.”

Tinanggap niya ang susi at walang reklamong umalis pagkasara ng kausap sa pinto. Subalit ilang hakbang lamang ay napipilitan siyang tumigil. Hindi siya mapalagay sa nakitang hitsura ng lalaki. Bumalik siya at muling kumatok sa pinto nito.

“Aren’t you leaving yet?” matamlay na tanong ni Blake nang muli siyang pagbuksan.

Walang pasabing sinipat niya ang leeg ng kaharap. “Nilalagnat ka. Bakit hindi mo sinasabi?”

“It’s nothing. Sinat lang ito. Umalis ka na baka malate ka."

Agad na nag-alala si Alex. “Sandali. Uminom ka na ba ng gamot? Hindi ka pa rin nag-aalmusal di ba?”

“Just leave Maya," sabay sara ni Blake sa pinto.

Binalewala ni Alex ang pagtataboy sa kanya ng kausap. Sa halip ay natatarantang bumalik siya sa kanyang kuwarto. Inilapag sa kama ang dalang gamit at nagmadaling bumaba ng kusina. Nagpaturo siyang gumawa ng lugaw kay Manang Cora. At nang maluto ay nagtimpla siya ng mainit na kalamansi juice. Inilagay sa tray ang mga ito at binitbit sa kuwarto ni Blake.

“Bakit nandidito ka pa rin? You cannot afford to take absent masyado ka ng behind sa klase," komento ng lalaki nang muli siyang pagbuksan .

Hindi sumagot si Alex at walang pag-aatubiling pumasok sa kuwarto bago pa man makapagreklamo ang lalaki. Inilapag niya ang mga bitbit sa mesa.

“Huwag mong alalahanin ang klase ko. Klase lang yan. Mas importante pa ba yan kaysa sa katawan ng tao? Kumain ka muna. Mas lalo kang manghihina kung magkukulong ka dito sa kuwarto ng walang laman ang tiyan," katwiran niya.

“I have no appetite…”

Matamlay na bumalik sa higaan si Blake at nagkumot. Subalit nilapitan siya ni Alex at hinatak nito ang kumot.

“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ka kumakain.”

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon