*****
Umaga, naghahanda na sa unang araw ng pagiging bodyguard niya si Alex.... bilang si Alex. Hindi siya komportable sa sitwasyon. Ngunit may isang bagay siyang ikinatutuwa. Hindi niya na kinakailang pumasok at magpanggap na estudyante.
Paglabas niya ng kuwarto ay nagulat siya sa nabungarang mga plastik ng basura na nakatambak sa labas ng kuwarto ni Blake. Nakita niya si Manang Cora na inaayos ang mga ito.
“Anong nangyari Manang?”
“Hindi ko nga rin alam. Basta’t tinawag kami ng pagkaaga-aga para maglinis dito.”
Sumilip siya sa nakaawang na pinto ng kuwarto. Punong-puno ng mga kalat at basag na bagay ang sahig. Abala ang mga katulong sa paglilinis dito. Nagtaka siya sa nakita at tinangka niyang pumasok. Ngunit nang nasa pintuan na siya’y bumungad sa harapan niya si Blake. Binigyan siya nito ng isang malamig na titig habang nag-aayos ng suot na damit.
“Strangers are not allowed inside my room.”
Napaatras si Alex. Sinunod niya ang narinig. Subalit bago tuluyang tumalikod ay napansin niya ang sugatang kamay ng lalaki habang nag-aayos ito ng kuwelyo. May biglang kumurot sa dibdib niya. Nagawa ba nitong saktan pati ang sarili dahil sa sama ng loob?
Mag-isa siyang nag-almusal. Nagkusa na siyang hindi sabayan ang maglolo. Habang kumakain ay nakita niyang naglalakad na si Blake papuntang garahe. Agad-agad niyang tinapos ang pag-aalmusal at hinabol ang lalaki.
“Hindi ka na ba magbi-breakfast?”
“I don't have appetite.”
Pagdating sa garahe ay pinasalo sa kanya ng lalaki ang susi ng kotse. Naupo ito sa likuran at tinitigan siya ng seryoso sa salamin.
“I’m letting you fullfill your job because of grandpa. Don’t ever think of other reason kung bakit naririto ka pa sa bahay….And also from now on, I can’t promise that everything will be easy between you and me.”
“Wala akong inaasahang anumang bagay mula sayo Blake. Huwag kang mag-alala, pansamantala lang itong pagbabantay ko sayo. Ginagawa ko rin ito dahil sa lolo mo pero maghahanap din ako ng papalit sa akin. Mas maraming naghihintay at nababagay na trabaho sa akin sa headquarters.”
Hindi sumagot si Blake. Sinenyasan niya lamang ng kamay ang babae na paandarin na ang sasakyan.
Pagdating sa campus ay bumuntot pa rin si Alex sa paglalakad papuntang classroom. Hinarangan siya ni Blake.
“Where are you going? You’re not a student, aren’t you?” sarkastikong wika nito.
“Pupuntahan ko lang si Grace.”
“Hihingi ka rin ba ng despensa sa isa sa mga taong napaniwala mo?”
BINABASA MO ANG
Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)
RomanceBlake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl could dream of. He's the man every lady wishes to date. And he is the husband every woman aspires to marry. He's handsome, intelligent, coo...