****
“SUMOSOBRA KA NA ALEXANDRA!”
Nakayuko lamang si Alex habang isa-isang tinatanggap ang sermon ng pamilya. Nakaupo siya sa mahabang sopa ng kanilang sala habang nakatayo sa harapan niya ang mga magulang at kapatid na lalaki. Tahimik namang nakaupo sa katabing upuan ang kanyang lolo.
“Papatayin mo ba talaga kami sa pag-aalala! Ilang buwan kang naglaho dahil sa sinasabi mong assignment mo! Tapos ngayong kakabalik-balik mo lang ulit at hindi pa nga natatapos ang maghapon ay susurpresahin mo na naman kami sa balitang madidestino ka sa visayas!” panggagalaiti ng ina.
“Kelan ka ba aalis?” tanong ni Dennis.
“Bukas ng madaling araw,” mahinang sagot niya.
Mas lalong nanghina si Sylvia. Napahawak ito sa dibdib na animo’y aatakehin sa puso. “Diyos ko! Ano ba tong nangyayari sayo Alexandra? Naghihirap ka ba? Wala ka bang makain para isugal mo ang buhay mo sa pagtatrabaho? Nagkukulang ba kami sayo?!...Ilabas mo yang baril mo at barilin mo na lang ako! Dahil para mo na rin akong pinapatay diyan sa mga pinaggagawa mo!” Pagkuway ibinunton nito ang galit sa mister. “Kasalanan mo to! Kung sinunod mo dati pa ang payo ko na ihanap mo na ng mapapangasawa yang anak mo mula sa mga anak ng mga kaibigan nating negosyante baka sakali pang nagbago yan! Tingnan mo ang nangyayari ngayon papalala na ng papalala ang pagkakahumaling niyan diyan sa pagiging pulis niya!”
“What can I do Sylvia? Kung ikaw man ang nasa sitwasyon ko mag-aalangan kang ipakilala yang anak natin. Tingnan mo nga magkikilos yan, daig pa ang lalaki. It’s your fault too! You are her mother. It’s your job to teach her how to act like a lady! Look at her now, sa tingin mo ba ay may matutuwa sa mga kaibigan natin na maging daughter-in-law ang isang babaeng laging nasa panganib ang buhay?!”
Napayuko lalo si Alex sa huling sinabi ng ama. Parang inulit lang nito ang narinig niya mula kay Don Henry.
“Mom, Dad…That’s enough. Alex is an adult already. Huwag na natin siyang pagalitan na parang bata. But for you Alex, sana sa susunod na magdedesisyon ka para sa sarili mo ay isipin mo rin na may pamilya ka. Paminsan-minsan naman ay ireconsider mo ang nararamdaman ng mga taong nagmamahal sayo! Hindi yung puro excitement at pangarap mo na lang ang iniisip mo,” ani Dennis.
Nanatiling tahimik lamang si Alex. Hindi niya masisi ang pamilya sa naging reaksiyon ng mga ito dahil simula ng maging pulis siya ay ngayon lamang siya mapapalayo ng dahil sa trabaho. Dati ay maluwag lamang siyang pinapayagan ng mga magulang kung lalayo siya para sa trainings.
“Gaano ka ba katagal sa probinsiya?” tanong ulit ng kapatid.
“Hindi ko alam. May bago kasi akong assignment…”
“Assignment! Mission! Raid! Operations! Diyan ka magaling. Eh ang pagiging anak mo kaya sa amin kailan mo pagbubutihan?!” dagdag na sermon ng nanay.Walang imik pa rin si Alex. Pagod na siyang ipaglaban sa mga magulang ang propesyon niya. Pagkatapos ng pakikinig sa napakahabang paglilitanya ng mga magulang at kapatid ay nagtungo siya sa hardin para magpahangi’t mag-isip. Hindi niya namalayang sinundan siya ng kanyang lolo. Tahimik itong tumayo sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)
RomanceBlake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl could dream of. He's the man every lady wishes to date. And he is the husband every woman aspires to marry. He's handsome, intelligent, coo...