[8] BOY OR GIRL

571K 12.7K 3.9K
                                    

                                                                       

                                                              ******

Hatinggabi na’y napasugod pa si Alex sa headquarters. Bitbit niya ang makakapal na mga libro. Napapakunot ng noo ang mga nakakasalubong niya habang nakatingin ang mga ito sa libro at sa nakabusangot niyang mukha.

“Nasaan si Inspector Corpuz?” tanong niya sa isang kasalubong.

“Nasa radio room.”

 Pinuntahan niya ang nasabing silid. Pabulagsak niyang inilapag ang mga libro sa isang mesa.

Napalingon si Inspector Corpuz na noon ay tahimik na nagtatype sa laptop. “Oh, Inspector Valdemor! Bakit bigla kang napasugod ng disoras ng gabi?” takang wika nito.

“Tulungan mo ako sa mga libro na ito. Kailangan daw i-summarize to,” hinihingal na sagot niya.

Sinulyapan lamang ng lalaki ang mga libro nang hindi umaalis sa kinauupuan at ngumiti.

“Okay. Kailan yan kailangan?”

 “Bukas ng daw ng hapon.”

“Okay.”

“Buti na lang at andyan ka Inspector Corpuz. Mukhang hindi ako sa sindikato mauutas kundi sa mismong Blake Monteverde na yan. Mas madali pang manghuli ng mga kriminal kesa pakisamahan ang taong yan!” iritableng reklamo niya.

“Relax ka lang inspektor. Basta pag nahirapan ka, sabihin mo lang nandito ako para tulungan ka.”

“Salamat.”

Magdadalawang buwan pa lamang si Inspector Corpuz sa headquarters nina Alex. Matanda lamang ito ng isang taon sa dalagang inspector. Kakatransfer lamang nito mula sa Criminal Investigation Division ng NBI. Siya ang kadalasang gumagawa ng mga pananaliksik sa mga confidential assignments at ngayon nga’y nakaassign din siya sa misyon ni Alex.

Bukod sa pagiging matalino, gwapo at may magandang pangangatawan si Inspector Corpuz. Maraming nagkakagusto dito subalit medyo may kailapan ito sa mga babae. Gaya ni Alex, halos trabaho din lang ang umuukupa sa isip nito.

“Paano Insp. Corpuz pwede ko na bang iwanan tong mga libro dito. Maaga pa kasi ang unang klase ko bukas,” ani Alex.

“Sige. Magtawagan na lang tayo bukas,” tugon ng binatang pulis.

Paalis na sana si Alex ngunit biglang bumungad sa pintuan si Chief Martinez. “Andito daw si Inspector Valdemor?”

“Chief!” Agad na sumaludo si Alex.

“Ano kumusta na ang assignment mo?”

“Okay naman Chief medyo close na kami ngayon ni Blake Monteverde kaya mas nababantayan ko na siya ng mas mahabang oras,” kunway nakangiti ngunit gustong masuka ni Alex sa sinabi.

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon