****
Tumutulo ang luha ni Marianne. Namumutla ang mukha. Hindi mailarawan ang lungkot na nararamdaman habang naglalakad papalapit kay Alex.
“Anong nangyari sayo Marianne?” takang tanong ni Alex.
“H-help me. Please help me,” hagulhol ni Marianne sabay yakap sa dalaga.
“Bakit ano bang nangyari?”
“B-Blake just broke up with me.”
Hindi makapaniwala si Alex sa narinig. Tinanggal niya sa pagkakayakap ang babae at hinawakan ito sa magkabilang braso. “Ano?! Bakit niya naman gagawin yun?”
Tuloy ang pag-agos ng luha ni Marianne. “H-He said I lied about my brother. He said that maybe I have an involvement with your schemes. He lost his trust Alex. Help me please. Explain it to him. Pleaasssee!” naghihisteryang pakiusap nito.
Niyakap ni Alex ang babae. Bigla siyang nakonsensiya sa pagkakadamay nito sa kanyang nagawa. Tinapik-tapik niya ito sa likod at pilit pinakalma. Agad siyang nakaramdam ng galit kay Blake dahil sa desisyon nitong ibinase lamang sa maling hinala.
“Huwag kang mag-alala Marianne. Kakausapin ko si Blake. Ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat. Pasensiya ka na kung pati ikaw ay nadamay sa problema namin.”
Kumawala sa yakap niya ang babae at tiningnan siya nito sa mukha. “B-but Alex, I really lied about my brother….”
“Mababaw na kasalanan lang yun Marianne para humantong kayo sa ganito. Gagawin ko ang lahat para maintindihan ka niya at ipapaliwanag ko kung bakit nagawa mong magsinungaling.”
“Please help me Alex. I love him so much. I don’t want to lose him again. Siya lang ang kaisa-isang lalaking ipinaglaban ko sa buong buhay ko. Hindi kami pwedeng maghiwalay ng dahil lamang dito.”
“I-ikaw din. Mahal ka rin naman ni Blake di ba? Ipinaglaban ka rin naman niya. Ikaw ang pinili niya sa lahat ng mga naging babae sa buhay niya.”
“I-I know but this time I’m not sure anymore. All I can see from him is anger and pain. I’m afraid so please help me Alex.”
“Mahal ka ni Blake. Magulo lamang ang utak niya kaya niya siguro nagawa ito. Sigurado akong babalik din sa normal ang lahat sa inyong dalawa pag lumipas na ang galit niya.”
Niyakap niya ulit ang umiiyak na babae.
“Huwag kang mag-alala, tutulungan kita. At pasensiya ka na kung pati ikaw ay nadamay dahil sa nagawa ko…”
------
Pumapasok pa lamang ng garahe ay humugot na ng isang malalim na buntong-hininga si Alex. Buong araw siyang nag-ipon ng lakas ng loob para kausapin si Blake. Naunang bumaba ng sasakyan ang lalaki at dire-diretso itong naglakad papasok ng bahay. Agad niya itong sinundan.
BINABASA MO ANG
Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)
RomanceBlake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl could dream of. He's the man every lady wishes to date. And he is the husband every woman aspires to marry. He's handsome, intelligent, coo...