*****
Dating gawi. Pagkatapos ng karera, diretso ang buong barkadahan ni Blake sa isang disco. Ang pinagkaiba lang ay kasama na nila ngayon si Alex. Nakatambay ang grupo sa labasan ng gimikan at masiglang nakasandal ang mga lalaki sa kani-kanilang mga nakaparadang sasakyan.
Tahimik lamang na nakaupo si Alex sa isang nakaumbok at nakaharang na semento sa harap ng sasakyan ni Blake. Pinapakiramdaman niya ang paligid. Patingin-tingin sa mga labas-masok na mga kabataan sa disco.
Tumabi sa kanya ang hindi pa rin makapaniwalang si Hayden.
“Wow Maya! You’re incredible! Paano mo natalo si Blake? Ang tagal ko ng sinusubukang gawin yan pero hindi matupad-tupad samantalang ikaw isang karerahan lang nagawa mo na!" wika nito nang may matinding paghanga.
Asiwang nginitian niya ito at pasimpleng inilayo ang sarili sa malapit na pagkakatabi sa kanya. Halos dumikit na kasi ang mukha nito sa mukha niya.
“Ah eh….mahilig din kasi akong magmaneho...Pero kahit hindi ko rin naman ine-expect na mananalo ako. Nakatsamba lang siguro,” kunwa'y mapagkumbabang tugon niya.
“Alam mo bang ang cool-cool mong tingnan? Walang kaproble-problema sa akin kung maging isa ka sa mga barkada naming!”
“Ah ganun ba…s-salamat ha,” sagot niya habang inilalayo ang mukha sa lalaki.
Nakataas ang kilay na sinulyapan ni Blake ang dalawang nag-uusap habang umiinom sa bote ng beer. Naiirita siya sa nakikitang pagkagiliw ni Hayden sa babae. Hindi niya pa rin matanggap na natalo siya sa karera. Mas lalo pang nadadagdagan ang pagkainis niya dahil parang bilib na bilib sa weirdong babae ang kanyang mga kaibigan.
“Blake di ba okay na okay na maging tropa natin si Maya?” namimilog ang mga matang sabi ni Hayden.
“I don't know. Tingnan natin,” sagot niya nang may sarkastikong ngiti.
“Maya bakit naman gusto mo kaming maging barkada? Bakit wala ka bang mga kaibigang babae?” tanong ni Hayden.
“Bro sa tingin mo ba babae yan si Maya? Tingnan mo nga ang kilos at pananamit niyan. Mukha bang babae yan?” ngingisi-ngising hirit niya.
Napanganga at napahawak sa bibig niya si Hayden nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin.
“Maya huwag mong sabihing…ano ka… kaya mas gusto mong sumama sa mga lalaki.”
Kumunot ang noo ni Alex. “Anong ano?”
Kumibit ng balikat si Hayden. “Yung alam mo na…h-hindi mahilig sa lalaki,” ingat na ingat na sagot nito.
“Ahh yun ba…bahala kayo mag-isip. Hindi ko sasagutin yan masyadong personal ang tanong mo.”
BINABASA MO ANG
Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)
RomanceBlake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl could dream of. He's the man every lady wishes to date. And he is the husband every woman aspires to marry. He's handsome, intelligent, coo...