[34] CROSSROADS

443K 11.2K 2.3K
                                    

                          ****

Namumutlang sinalubong ni Alex ang kapatid na doktor papalabas ng CT-Scan room. “Anong balita Dennis? Kumusta ang lagay ni Blake?!”

Nagmamadaling nagsalita si Dennis. “He has epidural hematoma. He needs to have an operation as soon as possible. I have to do a surgery now!”

Mabilis na naglakad papuntang operating room si Dennis bitbit ang CT-scan result. Sinundan ito ng dalaga.

“Gawin mo lahat ng makakaya mo. Parang awa mo na iligtas mo si Blake! Maawa ka Dennis,” nanginginig na pakiusap ni Alex.

“I’ll do my best Alex. But I cannot guarantee you that everything will be okay. This is a very serious head injury and he is bleeding inside for a long time now.”

 “Huwag kang magsalita ng ganyan Dennis! Sabihin mong maliligtas mo si Blake! Eto ang expertise mo di ba? Magaling kang doktor di ba? Please, pleaseeee Dennis!”

“Mamaya na tayo mag-usap Alex.”

Nagmamadaling pumasok si Dennis sa operating room.

Walang kapagurang pabalik-balik sa paglalakad si Alex sa harap ng OR. Pudpud na lahat ng mga kuko niya sa kamay sa walang tigil na pagkutkot. Maya’t mayang nagpapahid ng di maubos-ubos na mga luha. Pasilip-silip sa pintuan. At paulit-ulit na nagdarasal ng tahimik.

Pagkalipas ng mga tatlong oras ay lumabas si Dennis. Nagmamadaling nilapitan ito ni Alex at hinawakan sa magkabilang braso ng may nanlalaking mga mata.

 “Anong nangyari?!”

Tinitigan muna ng doktor ang kapatid. Awang-awa ito sa hitsura nito. Namumugto ang mga mata at tila nawawala sa sariling katinuan. Nagkalat ang itim na maskara sa mga mata. Gusot-gusot ang buhok. Nakayapak at pinatungan lamang ng jacket ang seksi at maiksing damit. Sugatan ang gilid ng mga labi at may ilang mga pasa sa mukha.

 “He is safe now.”

Muling tumulo ang mga luha ni Alex. Napayakap siya sa kapatid sa matinding kaluwagan sa dibdib na naramdaman. “Salamat. Salamat Dennis…”

Inalis ni Dennis sa pagkakayakap ang mga kamay ng kapatid. Hinawakan niya ito sa braso at pinaupo sa waiting area. Pumunta siya sa isang malapit na vending machine at kumuha ng dalawang kape. Iniabot niya ang isa sa dalaga at naupo sa tabi nito.

 “Look at yourself now. Don’t you think kailangan mo rin magpatingin. Ang dami mong mga pasa. Saan ka na naman ba nakipagbugbugan?”

“W-wala to. May hinuli lang kami,” nakayukong sagot ni Alex ng may malungkot na ngiti.

Tumahimik ng ilang sandali ang doktor. Pinakiramdaman muna nito ang kapatid bago magsalita. “How are you related to that guy?”

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon