[5] TROPA

548K 14.2K 3.8K
                                    

                             

                                              ******

Lumalabas ng sinehan si Blake kaholding hands ang isang matangkad, seksi, mestisa, maganda, makinis at kaedarang babae. Nakasuot ang babae ng makinang at maluwang na sleveless, hapit na itim na mini skirt at mataas na wedge shoes. Marami rin itong mga aksesorya sa katawan.

“Sophia, I guess I have to bring you home na. May importanteng lakad pa ako after an hour," may lambing na sabi niya.

Sumimangot ang girlfriend. “Today is Saturday and you have no class tomorrow. Bakit ka ba nagmamadali? Hindi na ba tayo magdi-dinner?”

“Bukas na lang. Promise I’ll pick you up before dinner time.”

 “Ang daya-daya mo talaga. Lagi na lang kulang ang time mo para sa akin. Mabuti pa yung mga barkada mo mas madalas mong nakakasama," nagtatampong tugon ni Sophia.

“Nagkakamali ka ng iniisip. Hindi ako lumalabas with friends lately. Alam mo namang season ng exams ngayon di ba?”

 Hinalikan ni Blake sa noo ang girlfriend at marahang hinaplos ang palad nito.

“Promise I’ll make up tomorrow,” seryosong sabi niya.

“Promise mo yan ha,” matamlay na sagot ng dalaga.

Nakangiting tumango si Blake at hinigpitan ang pagkakahawak sa palad ng nagtatampong girlfriend. Malambing na inakbayan niya ito habang naglalakad patungong parking lot.

Mag-iisang taon niya nang girlfriend si Sophia. Nasa ikalawang taon na rin ito sa kolehiyo at nag-aaral sa kursong Mass Communication sa De la Salle University. Nakilala niya ito sa isang party na ginanap sa kanilang bahay. Magkaibigan ang kanyang lolo at ang ama ng girlfriend na isa ring negosyante. Botong-boto ang kanyang lolo kay Sophia at ito pa mismo ang nag-udyok sa kanya na ligawan ang dalaga.

Unang kita pa lang niya kay Sophia ay na-attract na siya dito. Walang pagdadalawang-isip na sinunod niya ang payo ng lolo na ligawan ito. Mabait ang kanyang girlfriend. Mukhang liberated lang itong manamit dahil sa pagiging isang modelo ngunit ang katotohanan ay isa itong konsebatibong babae. Bibihira itong lumabas sa gabi. Nagpupunta lamang ito sa mga bar at disco kapag kasama siya. Palasimba. Inosente. Masunurin sa mga magulang at ang pinaka-intimate na bagay na nagawa niya pa lamanng sa kasintahan ay damping halik sa labi.

Totoo ang nararamdaman niya para kay Sophia kung kaya’t nirerespeto niya ang pagkababae nito. Ngunit sa kabila nito’y gusto niya pa ring i-enjoy ang kanyang kabataan. Mahal siya ni Sophia at mahal niya rin ito ngunit para sa kanya masyado pang maaga para mag-seryoso siya sa buhay at pakikipagrelasyon. Ayaw niyang ipagkait sa sarili ang mga bagay na dapat niyang maranasan sa kanyang edad.

“Blake one of my friends told me that her friend saw you daw sa isang disco na may kasamang ibang girl." Biglaang ungkat ni Sophia nang nasa sasakyan na sila. Nakahalukipkip ito habang nakatingin ng diretso sa kalsada.

Muntik nang nawala ang konsentrasyon ni Blake sa pagmamaneho sa narinig. Napatingin siya sa nakasimangot na katabi. Ilang ulit muna siyang napalunok bago nakapagsalita.

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon