[27] BACK TO EARTH

501K 12.1K 1.6K
                                    

                                       ****

Alas dos ng madaling araw. Tumunog ang telepono ni Alex. Naalimpungatan siya mula sa mahimbing na pagtulog. Nakapikit ang mga matang kinapa niya ang telepono mula sa ilalim ng mga unan.

“H-Hello….”

“Inspector Valdemor.”

 Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang boses ng hepe.

“Chief!”

 “Pumunta ka ng headquarters ngayon din. Hihintayin kita sa meeting room.”

 “Yes chief!”

Nagmadali siyang tumayo at nag-ayos ng sarili. Sa tagal ng panahon ay ngayon lang ulit siya makakabalik ng headquarters.

Kaagad niyang nilisan ang kuwarto. At habang papaalis ay napahinto siya ng ilang saglit sa tapat ng kuwarto ni Blake.  Tinitigan niya ang pintuan. Hindi niya alam kung bakit ngunit parang may unti-unting humahalong kaba sa excitement na nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay papalapit na papalapit na ang oras ng kinatatakutan niya.

Pagdating niya ng headquarters ay inulan siya ng mga bati ng bawat nakakasalubong na mga nakangiting kasamahan.

“O Inspector Valdemor long time no see!”

Malugod niyang ginantihan ang mga ngiti at bati. Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa lugar ay muling nanumbalik ang pakiramdam niya bilang isang pulis. Sumigla ang buong pagkatao niya. Nabuhay muli ang pansamantalang nakatulog niyang dugo.

Nakangiting umakyat siya ng second floor. At nang marating niya ang meeting room ay isa-isa niyang sinaluduhan ang naghihintay na mga kasamahan. Bukod kay James at sa hepe ay may pitong mga kasamahang pulis pa ang naroroon.

Umupo siya nang may maaliwalas na mukha. Komportableng sumandal sa silya at ipinatong sa armchair ang magkabilaang siko. Wala siyang anumang kaide-ideya sa kanilang pag-uusapan. Ang tanging nasa isip niya ay maaring may emergency operation at kinakailangan ng mga ito ang tulong niya.

“Ikaw na lang ang hinihintay namin Inspector Valdemor. Kaya’t maari na nating simulan ang pag-uusap na ito,” seryosong sabi ni Chief Martinez.

Tumayo si James. Binuhay nito ang projector at ipinakita ang mga nakaw na kuhang litrato ni Grace. Biglang nabura ang mga ngiti sa mukha ni Alex. Pagkakita pa lamang niya sa mga litrato ng babae ay agad niyang napagtanto kung bakit siya naririto. Pag-uusapan nila ang kaso ni Blake.

Tinitigan niya ang mga litrato ni Grace ng may seryosong-seryosong mukha. At pagkatapos ay tumingin siya sa nakatayong inspektor. Naghihintay siya sa anumang sasabihin nito. At bago ito nagsalita ay tumingin din ito sa kanya na tila tinatantiya ang maari niyang maging reaksiyon.

“Siya si Grace Rivera Capulong. 18, yrs. Old, tubong San Vicente, Ilocos Sur at kasalukuyang nangungupahan sa loob mismo ng UP Campus, nag-aaral sa UP Diliman, nasa ikalawang taon sa kursong business management…”

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon