[44] RUN TO YOU

555K 12.7K 1.9K
                                    

                          ****

Paulit-ulit na tinatawagan ni Blake ang cellphone ni Alex habang nagmamaneho. Wala siyang alam kung nasaan ang dalaga subalit kahit isa-isahin niya lahat ng hospital sa buong Metro Manila ay gagawin niya matagpuan lamang ang kinaroroonan nito. Nagri-ring ang telepono ngunit walang sumasagot. Hindi siya sumuko sa pagtawag hanggang sa may sumagot ditong isang lalaki.

“This is Blake Monteverde. Is this Inspector Valdemor’s handphone?!”

“Oo.”

Ayaw pa rin niyang maniwala sa sinabi ni James. Hindi ito totoo. Nagbitiw lamang ito ng isang hindi magandang biro.

 “Where is she? I want to talk to her now!”

 “Hindi mo siya pwedeng makausap ngayon.”

 “Put her on the phone right now! I need to hear her voice!”

“Hindi ka niya makakausap …” 

“WHY?!!"

Walang sagot ang kausap. Natahimik din ng ilang sandali si Blake. Nakailang buntong-hininga muna siya bago muling nakapagsalita. Pinilit niyang ikalma ang sarili hanggang sa unti-unti niya ring natanggap ang katotohanan ng narinig na balita.

“W-What’s t-the name of the h-hospital?” Siya na mismo ang kusang nagtanong.

“Nasa ambulansiya siya ngayon. Ililipat siya sa Asian Hospital sa Muntinlupa.”

Ibinaba niya ang telepono at agad na kinabig ang manibela. Ubod ng bilis na pinatakbo niya ang sasakyan. Pagdating sa nasabing hospital ay wala pa ang ambulansiya. Naabutan niya doon si James na naghihintay sa entrance. Bakas na bakas din sa hitsura nito ang matinding takot at pag-aalala.

Gulat na gulat si James pagkakita kay Blake. “What are you doing here Blake?”

“I’m here for Alex,” diretsong sagot ng lalaki habang humahaba ang leeg sa pag-abang ng ambulansiya.

“D-Did you leave the party for her?”

Seryosong hinarap ni Blake ang nagtatakang mukha ng kausap. “I’m willing to leave everything for her….I’m sorry James. I know it’s a bit complicated but I’m taking back my woman now.”

 “What do you mean?”

 “She’s mine James and I’m not going to hand her over to you. Never.”

Natigilan si James sa matitigas na mga salitang binitawan ni Blake. Nagtataka siya sa magkakasalungat na mga salitang lumalabas sa bibig nito. Naglaho na ba ang pinag-usapan nila sa party? Napansin niyang parang ibang Blake na ang kaharap niya. Itutuloy niya sana ang kanilang pag-uusap ngunit tinalikuran na siya ng lalaki. Muli na nitong inintindi ang matinding pag-aalala kay Alex.

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon