[45] HEART TALKS LOUDER (FINAL)

659K 13.3K 5.1K
                                    

                                                 ****

Dalawang linggo makalipas lumabas ng hospital ni Alex.

BLAG!BLAG!BLAG!

“ALEXANDRA!BUKSAN MO TONG PINTO!”

BLAG!BLAG!BLAG!

“BUKSAN MO SABI!!!”

Pinagbuksan ni Alex ang nangangalampag na ina. “Ma, huwag niyo namang sirain itong pinto ko.”

“Ano ba Alexandra?! Tapatin mo nga ako! Haharapin mo pa ba ang Blake na iyan o habambuhay mo nang pagtataguan?!”

Hindi sumagot si Alex. Patay-malisyang iniwas niya ang mga mata sa nanggigigil na ina.

“Aba! Maawa ka naman dun sa tao! Araw-araw nang bumisita dito pero ni isang beses ay hindi mo man lang hinarap. Napapagod na ako sa kakaakyat-baba dito sa kuwarto mo ah! At ano to gabi-gabi na lang ba ay ako ang haharap sa lalaking iyon?! Sabihin mo lang at ako na rin ang sasagot sa kanya. Ang gwapong bata, hindi ko tatanggihan iyon!”

“Ma, huwag na kasi kayong masyadong nakikialam. Huwag niyong i-entertain kung napapagod kayo. Wala kasi kayong alam sa pinagdaanan ko sa taong iyan. Hayaan nyo siyang magtiis,” ingus niya.

“Magtiis? Sa ganitong paraan?! Tuturuan kita Alexandra! Kung gusto mo talagang mahirapan yung tao, ngayon pa lang ay sabihin mo na nang harapan na hindi mo siya gusto! Saktan mo na ng mabilisan! Diretsuhin mo na habang maaga para humaba ang pagdurugo ng puso niya! Ang ginagawa mo ngayon ay binibigyan mo pa ng pag-asa eh!  Teka ako na nga ang magsasabi…tutal ito naman yata ang hinihintay mong gawin ko eh!”

Tumalikod kaagad ang ginang subalit mabilis itong pinigilan ni Alex. “Ma sandali! Huwag na ako na! Eto na bababa na ako, haharapin na!”

Lihim na napangiti si Sylvia subalit nang humarap ulit sa anak ay nagkunwari na naman itong galit.“Bilisan mo ha! Nauubusan na ako ng tanong sa taong yun. Nasa hospital ka pa lamang ay iniinterview ko na ang Blake na iyan! Wala na kaming mapag-usapan.”

“Oo na ho! Ma, bawas-bawasan niyo naman ang pagkaobvious ng pangangampi niyo sa lalaking iyan. Ako ho ang anak niyo. Ako ang nasaktan… Ako ang nagdusa… Ako ang nahirapan…kaya’t ako dapat ang kinakampihan niyo.”

Pinandilatan ni Sylvia ang dalaga. “Tse! Huwag mo akong daanin sa pagdadrama mo! Bilisan mo na at ilang araw na akong awang-awa sa taong iyon!” sabay kurot niyasa tagiliran ng anak.

“Aray! Eto na magpapalit lang ako ng damit. Nakakahiya naman sigurong humarap sa bisita ng nakapantulog di po ba?” sabay sarado ni Alex ng pinto bago pa man makadugtong ng salita ang ina.

                                                                           -----

Mag-isang nakaupo si Blake sa sopa. Iniwan na siya ng ina ni Alex. Alam niyang kinausap muli nito ang anak subalit sa parte niya ay hindi pa siya umaasang haharapin na siya ng dalaga. Hindi niya hinahangad na makausap kaagad ito. Ang gusto niya lang ay iparamdam dito na handa siyang magtiis at magtiyaga hanggang sa handa na ulit itong pag-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa. Kahit buwan o taon pa ang abutin ay araw-araw niya pa rin itong pupuntahan sa bahay. Tatanggapin niya anuman ang parusang ibigay nito sa kanya.Tahimik siyang yumuko habang nag-iisip nang iba pang paraan ng panunuyo. Minasahe niya ang noo at bumuntong-hininga.

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon